"Syempre alam ko! Sa amin umorder yon." Aniya. "Sa sasakyan ka lang pwedeng kiligin, Tia. Kapag nalaman kong bumigay ka sa lapastangan na 'yon ay kukutusan talaga kita! At bubugbugin ko talaga 'yong traydor na Jack na 'yon!"

"Uy, Cams, wag ka naman masyadong harsh. Ano ba naman yong tatlumpong beses mo na siya binasted?" Halakhak ko nang tumahimik siya.

"Tse! Bahala ka nga! Out of topic! Tataas bill ko! Bye!" At binabaan niya na ako ng tawag.

Ngisingngisi pa rin ako habang tinatali ang aking buhok into a high pony tail dahil napaka-init sa labas. Natatawa pa rin ako sa pag-iwas ni Camille basta patungkol sa kanilang dalawa ni Jack.

Ayon kay Jack—dahil hindi talaga makwento si Camille patungkol sa kanila—ay matagal na raw silang magkaibigan ni Camille. Syempre, hindi ko 'yon alam dahil hindi naman ako sa Pinas lumaki. Anyway, matagal na raw may gusto si Jack kay Camille. Simula pagmulat ni Jack sa katinuan ay kay Camille na umiikot ang kanyang mundo na taliwas naman sa mundo ni Camille.

Si Tito, o ang Dad ni Camille, ay isang sikat na politician. Kahit na hindi naman niya hilig ang pag-go-gobyerno ay wala siyang magawa dahil mahal siya ng mga tao. Ang totoong hilig talaga ni Tito ay sasakyan. Pero kahit ganoon, hindi naman mawawala ang pressure sa kasikatan ni Tito at hindi maiiwasan ang mga masasamang kumento ng mga tao sa kanya.

Ni hindi ko sana ito malalaman kung hindi ito kinuwento ni Jack. Noong bata pa raw kasi sila ay panay daw'ng nabibiktima ng bullying si Camille nang dahil sa mga pangungutya ng mga magulang ng kanilang mga kaklase. Wala naman na ginagawa si Camille sa kanila. Tahimik lang siya at parati napakaseryoso ang mukha. Parang wala lang daw sa kanya kahit na magkanda-giba-giba na yung mga gamit niya. Hindi naman siya pumapatol.

Kaya umabot daw sa punto na si Jack na ang nananakot ng kanyang mga kaklase. Ang kanyang ama ay kanang kamay ng Dad ni Camille. Matalik silang magkaibigan. Sikat na hitman noong unang panahon ang kanyang ama—syempre sikreto 'yon—pero ngayon ay namumuno na 'to sa pagiimport at export ng mga legal na armas.

Tinakot niya ang mga ito na kung sino pa raw ang gagalaw kay Camille ay babarilin niya raw gamit ang shotgun ng kanyang ama at ibabaon ng buhay. Mind you, walong taong gulang pa lang siya noon. At of course naman, na Principal's Office siya. But he said it was all worth it. Sa parehong araw daw na 'yon ay unang beses niyang narinig at nakitang tumawa si Camille. And just like that, hulog na hulog na raw siya rito. Sagad to the bones.

Ang hindi ko lang talaga ma-gets ay kung bakit sobrang pakipot noong pinsan ko! Kaya ginawa nanaman akong instrumento ni Jack para mapalapit pa lalo kay Camille, na okay lang naman. Jack was a decent guy kaya!

Anyway, matapos kong magperfume at maglagay ng lipstick ay nagdesisyon na akong lumabas na ng townhouse. Alas-diyez na pala. Ang usapan pa naman ay sa isang coffeeshop malapit sa condo unit niya kami magkikita.

Papara na sana ako ng taxi nang may pumaradang sasakyan sa akin harapan. At alam kong kahit ilang beses ko pa itong titigan ay mamamangha't mamamangha pa rin ako.

T R A M ' S

"Ang boring! Sobrang boring ninyong dalawa! Hindi kayo bagay! Hindi!"

I glared at Jack. Ano bang problema ng isang ito? Kanina pa ito umeepal every time na nag-uusap kami ni—

"Huy, Jack, bakit ka nga ulit nandito?" Tanong ni— I sighed. Why is it so hard calling her by her name even in my head?

"To guard you. Ako ang bouncer ngayong gabi. Para wala nang ganap p—Aray!"

The Thirdwheel (COMPLETED)Where stories live. Discover now