CHAPTER 37

74 1 0
                                    

"That was a mistake. Baby, forgive me please." Nakaluhod pa din siya. Wow, sa lahat ng tanong ko, yan lang ang sinabi niya? He didn't even answered my questions.


"Please." Nagmamakaawa yung itsura ni Chill. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. He was always cold and not easy to read before. Maybe, hindi ko na nga siya ganoon ka'kilala.


Nanghihina na yung katawan ko sa nararamdaman ko ngayon. I suddenly want to comfort him but I don't know how.

Hinawakan ko yung kamay niya saka inalalayan ko na siyang tumayo at saka niyakap. Naramdaman ko yung pagtulo ng luha niya sa damit ko.


"Chill, I need to go home." Yan nalang ang sinabi ko. Baka kasi kung ano pa ang masabi ko kapag nagtagal pa kaming mag-uusap.

Magkasabay kaming naglakad papunta sa sasakyan niya. I glance on him and he was smiling. Napangiti ako sa itsura niya. Lagi kasi siyang straight face simula nun.


Tahimik lang ako habang nagbiyahe, hindi din naman siya nagsasalita. Nakarating na kami sa bahay.

Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako. Tatanggalin ko na sana yung seatbelt ko pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Tinignan ko siya with a questioning eyes.


"Kleigh. Baby, can you please give me another chance?" Sabi niya na nakapagpagulo sa utak ko. Tinignan ko siya sa mata. Alam mo yung feeling na ang hirap niyang tanggihan? Nangungusap kasi yung mga mata niya.


I trust you. That is all that matters.

I trust you. That is all that matters.

I trust you. That is all that matters.


Biglang nag-echo yung boses ni Danger sa ulo ko.

I am so confused. I cannot even understand what I feel.


"I don't know what to say for now. Sorry Chill. Umm, we can be friends..... atleast?"

"I won't take that as an answer. You should go now." Lumapit siya sa tenga ko saka bumulong. Kinabahan ako sa ginawa niyang yun. "Someone's waiting for you." Napatingin ako sa gate ng bahay ko.


"Danger." Medyo ang dilim ng aura niya. Nakatikom yung kamao niya, his jaw was clenching. I can feel na nanggagalaiti na siya.

Narinig ko yung pagsara ng door ng sasakyan ni Chill at bigla nalang siyang tumabi sa akin. Wait, what is he planning?

Hinawakan niya pa yung kamay ko. Tinry kong hilain yung kamay ko pero ang lakas niya.

Mas lalo pang sumama yung mukha ni Danger.


"Hands off." Galit na sabi ni Danger. Nanginig yung kamay ko at sinubukan ulit na hilain yung kamay ko pero mukhang mas hinigpitan pa ni Chill.



Tinignan ko lang siya habang paalis na siya.

Am I making the right choice?

TAKING CHANCESWhere stories live. Discover now