CHAPTER 30

106 2 0
                                    

Pagkatapos na pinakilala si Danger, nagsibalikan na din ang lahat sa respective classes.

Nag-start na ang class at hindi na ulit nagpakilala pa si Danger dahil naipakilala na siya kanina sa flag. Besides, madali naman siyang matandaan.


"Bored?" Bulong niya sa akin. Nasa likod kami naka-upo. Sa gitna, to be exact. Ayaw niya ng may katabi kaya sabi ko na dito nalang.

"Yeah. Gusto ko na yatang lumabas."

"Shall we?" Tanong niya habang nakangisi. Loko loko talaga to. Hinampas ko nga. Kahit naman nakakatamad pumasok, tinitiis ko pa din. I want and need this naman kahit papaano.

Nakinig nalang kami sa lessons.

Lunch time na, kahit gusto kong lumabas, pumunta nalang kami sa isang tahimik na part ng school. Dinala ko siya dito because I want a peaceful surrounding. Nagpa-deliver lang kami ng food.

"Is something bothering you?" Tanong niya. Bigla kasi akong nanahimik.

"I was just thinking about something."

"Something? Kleigh, can you please just think of me everytime." Napatawa ako. Hahahaha! Bigla namang kumunot yung noo niya. "Stop laughing. I'm serious." Di ko talaga mapigilan yung pagtawa ko. It's just that....

"You are being possessive. I like that."

"Of course, I should be." Niyakap niya ako. Hmmm. Ang bango niya. Ano kayang pabango nito?

Bumalik na kami sa classroom at nagsimula nang magklase ulit.


It is Friday.

Mamaya pa ang P.E kaya naka uniform pa naman ako.

Nandito kami sa usual sit namin ni Danger sa room. Nagkaklase na din. Napapansin ko na panay ang sulyap sa akin ni Chill. Nahuhuli ko siya kaya inaalis niya din naman agad ang tingin niya. Simula nang nag-resume ang classes lagi nalang niya akong tinitignan. I do not know what to feel.

Natapos na ang second class at P.E na. May 15 minutes na break naman kaya pumunta na ako at nagbihis sa CR. Narinig ko na may pumasok at hindi naman na ako nagtataka.


Aalis na sana ako nang narinig ko ang pangalan ni Chill at Phoebe sa usapan nila.

"Hindi ka ba nagtataka? Parang noong nakaraan lang si Chill at Kleigh na tapos ngayon parang hindi na sila magkakilala. Although napapansin ko na panay ang tingin ni Chill kay Kleigh." Sabi nung isa.

"Kaya nga. Di ba bestfriends si Kleigh at Phoebe? What about their friendship?"

"Malamang sira na. Feeling ko nga hawak ni Phoebe ang leeg ni Chill. Alam mo yun? Hindi naman literal pero, parang.... Ewan!" Hawak ang leeg?

"Ang bilis nga naka hanap ni Kleigh ng kapalit. And for the record. Pinsan pa ni Chill. Wow."

"Pero alam mo, mas bet ko tong si Danger." Kanina pa ako actually tapos magbihis pero mas pinili kong pakinggan muna ang pinag-uusapan nila.

"Bakit?"

"Halos pareho sila ni Chill pero, hindi siya snob."

"Tama! Okay, tara na nga." Naramdaman ko naman na umalis na sila kaya bumalik na din ako sa room.


Nagsimula na kami sa P.E. Volleyball. Girls vs. Boys.

Mabuti na lang at medyo magaling akong mag-laro.

Dikit ang laban, pero mas lamang yung boys. Halata mong nagpapasiklaban si Chill at Danger, pero mas magaling si Chill. Ngayon ko lang nakitang maglaro si Danger eh.

Nanalo sila. Kinongrats naming ang boys and we shake hands. Nang kay Chill na ako, biglang sumingit si Danger at hinila na ako papunta kung saan.

TAKING CHANCESWhere stories live. Discover now