CHAPTER 26: Objectives

7 2 0
                                    

CHAPTER 26

Renz's POV:

"Ahh..." basag ko sa katahimikan.

Kumawala siya sa pagkakayakap at tumikhim. "Sensya na," naiilang saad niya.

Tumungo ako, "A-ayos lang," naiilang tugon ko.

"A-ano na sunod?" tanong niya.

May lumitaw na hologram screen sa aking harapan. "Nakikita mo 'to?" turo ko sa screen sa harapan ko.

"Hindi pero mayroong hologram screen sa harap ko," tugon niya.

Pinagmasdan ko ang aking hologram screen; nakasulat doon ang: "You have received your Easter Egg rewards." Tinignan ko ang mga ito: may potion pang extra life, potion para makapag-heal, katana, laser gun, analog watch, red orb, at black orb. Karamihan ay nasa level 70-100 ang mga artifacts na natanggap namin.

"Ayos," bulong ko.

Malaki ang maitutulong sa'kin ng red at black orbs. Ang red orb ay maaaring lumikha ng pulang enerhiya na forcefield na kahit ano man sandata ang gamitin ay hindi matitibag, ang black orb naman ay para sa mga kampon ng kadiliman o mga may masasamang budhi, ito ay parang indicator na may masamang nilalang na nasa paligid.

"Nilagay ko muna sa inventory lahat."

"Sige, gagamitin ko muna 'yung ibang artifacts," saad ni Nadine. Nakita kong umilaw siya ng kulay bughawing lunti sa mga in-equip niyang artifacts. Nagkaroon siya ng katana at laser honey badger na baril sa kaniyang bayna.

Tumango ako bilang sagot. "Uhm... Kumakain ba ang mga avatars o karakters?"

Tumingin siya sa'kin na parang gusto akong tuksuhin, "Pfft! Depende sa laro pero usually hindi kumakain ang mga karakter," natatawang tugon niya. Tumango-tango ako bilang sagot.

"Naiilang ka ba?" pag-uusisa niya.

Umiiwas ako ng tingin sa kaniya, "H-hinde," naiilang kong tugon.

"Eh bakit naiwas ka?"

"H-hindi naman ako naiwas."

"Weh tingin nga," mapanukso niyang saad. Hinuhuli niya ang tingin ko nang mapatingin ako sa mata niya ay nag-iwas agad ako ng tingin. "Tamo! Naiwas ka eh," pagrereklamo niya.

"Ih."

Lumapit siya sa'kin at inabot Ang aking mukha. "Ang cute-cute mo!" pinisil-pisil niya ang aking pisngi kahit naka armor ako ay nararamdaman ko ang pagdampi ng kaniyang kamay sa aking pisngi. Naramdaman kong umiinit ang aking pakiramdam tila lalagnatin ako. "Nagiging mukhang kamatis ka nanaman, hahahaha!" humalakhak pa siya ng parang wala ng bukas.

Tumalikod ako para umalis ngunit hinila niya ang aking braso. "Saan ka pupunta? Ito naman! Masyadong mahiyain jusko!" humalakhak ulit siya saka hinampas ang aking braso.

"Aray! Masaket ha!" tila nagtatampong bata na sambit ko. Tumawa lang siya saka umuna sa'kin; sumunod ako sa kaniyang likod habang paulit-ulit na umaandar sa aking utak ang pagyakap at pang gigigil ni Nadine sa'kin kanina. Naramdaman kong umiinit ulit ang aking mukha kaya tumikhim ako.

"Sus, kinikilig ka lang eh!" panunukso niya.

"H-hinde ah!" pagtanggi ko habang nakanguso.

Nagpatuloy lang kami sa paglilibot sa Cyberzone nang tumunog ang digital na relo niya. Pinindot niya ito at lumitaw ang imahe na anino ng tao.

Alam kong si Papa 'to.

"Report," may awtoridad niyang utos.

"Nakuha na namin ni Zargus ang rewards galing sa Easter Egg Hunt at nakalikom kami ng mga level 60-100 na artifacts," paglalahad ni Nadine.

"Bakit Zargus tawag mo sa'kin?" bulong kong tanong.

"Hindi-" magsasalita pa sana si Nadine nang putulin ng kausap namin ang sasabihin ni Nadine.

"Hindi puwedeng gamitin ang totoong pangalan mo sa mundong ito Zargus. Nasa paligid lang ang mga kalaban natin, kailangan natin mag-ingat."

"Masusunod po," tugon ko.

"Bumalik na kayo dito sa opisina. Marami pa tayong aasikasuhin x-1256, tawagin mo na ang iba mong kasamahan at maghanda para sa pagpupulong," utos nito kay Nadine. Tumingin ito sa'kin, "Zargus, magpahinga ka na dito sa opisina habang nagpupulong kami. Bawal ka lumabas maliwanag ba?"

"Opo," tanging naging tugon ko.

Nagteleport kami ni Nadine pabalik sa opisina ni Papa. Nang makarating kami ay pinahatid niya ako sa isang kasamahan ni Nadine papunta sa aking magiging kuwarto: ito ay maliit na silid kung saan tanging kama at aparador lang ang kasya, kulay abo na may ilaw na kulay asul ang kulay ng silid. Kinapa-kapa ko ang kama at malambot ito; humiga ako at tumitig sa kisame.

Third Person POV:

Lingid sa kaalaman ng lahat na ang nanay ni Renz ay tinamaan ng lubos na kalungkutan. Si Renz ay nasa Cyberzone samantala si Kian ay dinakip ng grupo ni Pharsa. Tanging si Kaizer lang ang nandyan para sa nanay nila Renz. Ilang araw nang hinahanap ni Kaizer at ng mga kaibigan niya si Kian subalit hindi parin mahanap si Kian. May hinala si Kaizer kung nasaan si Kian ngunit kailangan niyang makumpirma muna ito kaya pumasok siya sa loob ng gusali ng XWeb para kitain ang kaniyang ina.

"Ma!" sigaw ni Kaizer pagkapasok sa mala-kastilyong opisina ng kaniyang ina.

Humarap sa kaniya ang kaniyang ina, "Bakit ka nandito?" malditang tanong ng babae.

"Nasaan si Kian?" naiinis na tanong ni Kaizer.

"Hindi ka puwedeng pumunta doon."

"Ma! Kasintahan ko si Kian!" asik ni Kaizer.

Tinignan lang siya saglit saka nagpatuloy sa ginagawang mga papeles.

"Ma!"

"Hindi ka puwedeng humadlang sa plano namin. Kailangan natin patumbahin ang Cyberzone at kailangan natin sila Kian at Renz para mangyari 'yon."

Hindi mapakaling kinuyom ni Kaizer ang kaniyang kamay. "Ma, bakit si Kian pa? Huwag mong pahirapan si Kian. Hindi 'yan ang gusto ni Tito H—" natigilan siya nang hagisan siya ng kutsilyo ng kaniyang ina.

"Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan niya, maliwanag ba?" nagbabanta nitong tanong.

"Bakit po?" mahinang tugon ni Kaizer.

"Alam mo naman na misteryoso ang pagkakakilanlan niya dito sa XWeb-tayo lang ang may kilala sa kaniya at mahanimik ka na dahil kahit ano pang sabihin mo ay may sarili akong plano para kay Kian-susunod na ang ina niya, hahahahaha!" humalakhak ng nakakakilabot ang kaniyang ina tila kinilabutan si Kaizer at lumabas na ng silid. Napaisip siya at naghahanap ng paraan upang maligtas si Kian sa kapahamakan. Pumunta siya sa pinaka tuktok ng gusali kung saan nandoon ang opisina ng may-ari ng XWeb. Kumatok ng tatlong beses si Kaizer bago pumasok.

Tumambad sa kaniya ang madilim na kuwarto at tanging mga mata lang ng tao ang nasisinagan ng buwan. "Bakit ka naparito?" tanong nito at malalim ang kaniyang boses.

"May ginagawa si Mama na taliwas sa mithiin mo po," tugon niya habang nakayuko.

"Ako na bahala, si Zhat napuntahan mo na?"

"Hindi pa po."

Padabog nitong nilapag ang kaniyang tasa, "Puntahan mo ngayon din. Siguraduhin mong hindi siya magsasalita sa mga tauhan ng Cyberzone at-alamin mo kung nasaan ang bangkay ni Renz. Alam kong buhay pa siya at posibleng nasa coma ang kalagayan niya at kailangan natin ang katawan niya para mapag-isa natin ang karakter niya sa online world at ang katawan niya dito sa mundo natin," pag-uutos nito kay Kaizer.

"Opo, masusunod po."

Lumabas si Kaizer ng gusali ng XWeb at nagtungo sa kaniyang sasakyan para sundin ang inuutos sa kaniya.

****

Inside of the Online WorldWhere stories live. Discover now