Chapter 23 - Close Bond

332 22 19
                                    

CHAPTER 23

CLOSE BOND


Lana's POV


I think, at that time, we often joke around,

to keep our affection for each other hidden.

It's easier that way, right?

There wouldn't be any awkward moments between us,

since we do not take things too seriously.

Until the moment comes when we can no longer keep it inside.


Ever since that night, Kiel and I got used to teasing each other. Bukod sa mga asar ng mga kaibigan namin ay nagbibiruan na rin kami na tila ba crush namin ang isa't-isa.


"Sabado ngayon. Hindi ba tayo magde-date?" bored na tanong niya habang naggigitara. Tinigil ko ang pagkain ng ice candy upang tingnan siya.

Kakatapos lang ng meeting ng squad. Nagulat nga ako nang magisang lumitaw si Kiel sa labas ng gym. His partner in crime Rios isn't with him for the first time.


"Date saan?"

He stopped strumming the guitar chords. "Kahit saan. Where do you want to go?"


Inubos ko muna ang ice candy ko at tumayo upang itapon sa basurahan ang plastic. Bumalik rin ako kaagad sa tabi niya at tumingin na ulit sa open field. Nagpapahangin lang kaming dalawa dito sa bleachers.

"I was actually thinking of visiting my parents today. Ilang buwan na rin akong hindi nakakauwi."

"Why don't I just go with you? I'm available all day. Wala naman akong ibang gagawin."


I bit my lower lip and did my best not to glance at him. I could feel his eyes on me.

"Malayo ang Ponte Almeria, Kiel. Ilang oras din ang ida-drive mo bago tayo makarating doon."

"I don't really care. Basta kasama kita, ayos lang." Ngumisi siya at pabirong hinalikan ang braso ko.


I rolled my eyes. "Hindi na. Magba-bus na lang ako---"

"Mas mapapanatag ako kung ihahatid kita. Hindi mo 'ko kailangang isama at iharap sa mga magulang mo kung ayaw mo. At least let me be sure you'll arrive there safely. Maggagala na lang ako magisa tapos kapag oras na para umuwi ka, susunduin na ulit kita."


I'm very tempted to accept his offer but I'd feel guilty for making him wait for hours. Ayoko rin namang magmadali sa pagbisita sa mga magulang ko. I want to stay there for the weekend if I'm going to visit them.


"Hindi ba't delikadong wala kang kasama doon? The last time you did that, someone stabbed you."


Iniangat niya ang T-shirt niya upang ipakita sa akin na naghilom na ang sugat niya. My eyes bore on his scar.

"Magaling na 'ko, Lana. Malakas na ulit ako. You don't need to worry about me."

Ang tigas ng ulo nito. Talagang ina-assure niya pa akong hindi siya matatalo, imbis ipangako na lang sa aking hindi na siya makikipagaway kahit kanino.


"Next time na nga lang. Baka gabihin na rin tayo dahil hindi pa ako nakakapagempake. Magpunta na lang tayo sa plaza ngayon. I need to buy some art materials for a project."

Once Upon A Lie (Elite Boys 2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu