Chapter 19 - Unexpected

221 18 20
                                    

CHAPTER 19

UNEXPECTED


Lana's POV


Tell me. Did you do it on purpose, or was it really an accident?

Given your personality, it is plausible that you had some sort of plan for it to occur.

You're very naughty after all.


1: Laura Natalie A. Dela Vega


"Pasabunot nga! Nakakaloka ka talaga! Ikaw na naman ang number one sa buong grade 11! Mygosh!"

Pabirong kinurot ni Eloise ang pisngi ko dahil sa panggigigil pagkatapos niyang tingnan ang results ng second quarter overall grades namin. Natawa naman ako at pinagmasdan habang nakangiti ang pangalan ko sa bulletin board.

My name is on the top of the list again. I can't believe it. Totoo ngang mas naging maganda ang performance ko dito sa MDU kaysa sa dati kong paaralan. Mas nakakapag-contentrate ako sa pagaaral dahil hindi ako gaano kapagod.

I was surprised by how much money the school was providing me. Sobra sobra ang allowance ko sa pangangailangan ko kaya naman nagagawa ko pang magpadala kay Kuya para makatulong sa kanya. Medyo maliit kasi ang sahod niya ngayon bilang janitor sa munisipyo. Nag-decide na rin akong 'wag na muna mag-part-time jobs para makapag-focus talaga sa studies ko. And it's been paying off since then.


I was also able to join the cheering team since I had extra time. Maganda rin kasi talaga na may extracurricular activity ako. Magagamit ko iyon kapag nag-apply ako ng college.

Sayang nga at hindi ako nanalo bilang member ng student council. Ganoon daw talaga dito sa MDU, sabi ni Eloise. Wala pang bilib ang mga estudyante dahil baguhan pa lang ako. But I'll try again next year. Hopefully, manalo na ako no'n.


"You did great, Lana!" bati ni Emma nang lumapit siya sa amin.

"You too!" She's the second on their grade. Nakita ko kanina lang.

"Nagusap ang mga genius. Hay nako. Nasaan na ba ang mga kalahi kong nasa dulo na ng listahan para naman may maka-relate sa nararamdaman ko ngayon?" Nilingon lingon ni Eloise ang paligid pero hindi niya makita ang mga boys.

As usual, wala naming pakielam ang mga iyon sa grades nila.


"Narinig niyo ba? May nagsusuntukan daw sa science building!"

"Babae daw ang dahilan ng away!"

"Bilisan natin, baka 'di natin maabutan!"

Nagulat kami nang magtakbuhan na rin bigla ang lahat.


"Oh my gosh, let's watch it too!" Bago pa ako makaangal ay nahawakan na ni Eloise ang kamay ko. Tumakbo na lang din ako dahil sanay na ako sa ugali niya. She won't let go of me until we get there.


"Excuse me! Paraan po!" Magalang man pero nanunulak naman si Eloise. Talagang nakikisiksik siya sa crowd. Aangal sana ang mga taong nabubunggo niya pero sa tuwing lumilingon sila at nakikita nilang kami pala ang paparating ay tumatahimik na lang sila at tumatabi.

In the past few months that I have been hanging out with them, I have observed that almost everyone here at school tends to feel a little bit scared of us, as they know very well that we are friends with the Duo.

Once Upon A Lie (Elite Boys 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon