Chapter 21 - Study Buddy

332 17 13
                                    

CHAPTER 21

STUDY BUDDY


Lana's POV


With each day I spent with you,

my heart was slowly leaning towards you.

And before I knew it,

I was already falling for you.


"Hi nanay!" bati ko sa video call nang itinapat ni Kuya ang camera ng phone niya sa mukha nito. "Miss na miss na po kita!"

Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti. Nanlaki ang mga mata ko at tila hindi nakagalaw nang ilang mga segundo.


"Kuya, totoo ba 'yon? Did she really smile at me?"

Tumawa siya at isingit ang mukha niya sa camera. "Oo Lana! Kahit ako nagulat! Gumagana na yata ang bagong mga gamot na ibinibigay sa kanya ng doctor niya!"

I covered my mouth with my hand and almost cried. After years of effort, her health is finally improving!


"Mabuti naman, Kuya! Kapag nagtuloy tuloy 'yan, baka gumaling na si nanay!"

"Oh, 'wag kang masyado umasa ha. On trial pa daw ito sabi nila. Kakalabas lang kasi sa market ng gamot. Pero bilib din talaga ako sa bagong management nila dito, Lana. Pinagtutuunan nila ng pansin 'yung mga pasyente nilang matagal ng nasa facility nila. Imbis perahan, talagang pursigido silang gumaling ang ito. Medyo may kamahalan nga lang ang bayad."


"Ayos lang 'yon, Kuya. As long as I'm a scholar here, I can provide for our family's needs."

"Baka naman wala ng natitira sa'yo diyan. Ang laki na naman ng ipinadala mo sa'kin, Lana," nagaalalang sambit ng kapatid ko.

"Wala naman akong masyadong ginagastos dito. Bayad lahat ng pangangailangan ko ng school, pati ang pagkain ko sa cafeteria, araw araw sagot nila. Mas kailangan niyo ng pera diyan kaysa sa'kin."


"Nahihiya na ako sa'yo, Lana. Nangako akong tutulungan kita, pero hanggang ngayon, ikaw pa rin ang bumubuhay sa pamilya natin."

I smiled. "Bumawi ka na lang Kuya kapag lumaki laki na ang sahod mo."

"Oo, pangako 'yan."

"Si Tatay pala, kumusta naman?"

"Ganoon pa rin Lana pero mamaya dadalhin ko siya sa hospital para sa therapy niya." Day off niya ngayon kaya may oras siya para asikasuhin ang mga magulang namin.

Sometimes it still baffles me that Kuya Lando changed overnight. Ganoon ba kalala ang pagiyak ko noon para makonsensya siya nang sobra?


"Nakausap mo na ba 'yung tropa mong may tricycle para maarkila niyo at doon maisakay si tatay?"

"Oo Lana, 'wag mo na kami problemahin dito. Oo nga pala, nakabili ako ng bagong ref. Second hand lang pero matibay pa rin naman. Nag-groceries ako kaunti."

Ang saya ng puso ko habang nagkukwento si Kuya sa akin. Ito ang dahilan kaya mas lalo akong nagpupursigi sa pagaaral. Ngayon pa lang, ang laki na ng nagiging pagbabago ng buhay namin. Magaan na kahit papaano kaysa noon na ako lahat ang gumagalaw.


"Sige Kuya, magsabi ka lang kapag nagkulang ang pambili mo ng gamot. Mayroon naman na ulit akong bagong allowance para sa buwan na ito."

"Salamat Lana. Bilhan mo rin ang sarili mo ha. 'Wag kami palagi ang pinagaaksayahan mo ng pera mo."

Once Upon A Lie (Elite Boys 2)Where stories live. Discover now