“Ehhh…”

“Sama ka na kasi… Please…” Sabay pout. Hahaha! Pa-cute lang.

“Haay. Sige na nga! ‘Di kita matiis eh.” ‘YUN! I’m so irresistible. Ano daw? Hahaha!

“Yehey! Thank you, Bes!”

Sana maging masaya mamaya. Most specially, sana maging masaya siya. Her smile is enough to take away all my pains.

--

Since nga pinilit ko lang siya, sagot ko lahat nang gastusin niya kagabi. ‘Di ako mayaman ah! Generous lang talaga ako pagdating sa kaniya. Tsaka, pinilit ko siyang sumama eh. Kaya mas okay na na sagutin ko lahat nang mga gastusin niya. Paulit-ulit? Hahaha!

Naglaro kami nang billiards sa Timezone. Nakakagulat nga kasi ang galing pala mag-billiards ni Steph? Hahaha! Ang astig niya. Swear. Kaya nga kapag nakakatama siya nang bola tapos nasho-shoot ‘yun dun sa may butas, napapasabi ako nang, “Wow! Galing talaga ng best friend ko!” With matching gulo nang buhok niya. Ang landi ko ba? Hahaha! Mahal na mahal ko lang talaga siya. Kaso… ‘di niya naman yata nahahalata.

Oo nga pala. Mock NAT ngayon. Tss. Corny. Napalayo pa tuloy ako sa kaniya. Tsk tsk. Te-text ko nga muna ‘yung babaeng ‘yun! Miss ko na eh. Hahaha!

To: Steph Abelardo

Hi Bes!

Oo nga pala. Room 4 siya, Room 2 naman ako. Alphabetically arranged kasi eh. Mauuna ‘yung boys bago ‘yung girls. Haay. Ang layo niya sa akin. Tsk tsk. Ang hiraaaap! Hahaha!

Brrt.

Baka nag-reply na siya. Hihihi. Kilig masyado? Hahaha! Bakla yata ako eh. Tsk tsk.

From: Steph Abelardo

Bakit Bes? :P

To: Steph Abelardo

Wala lang. Nakakaantok eh. :D

From: Steph Abelardo

Oo nga eh. Sobra. :|

‘Yon. Parehas kami nang nararamdaman. So, ano naman? Meant to be na agad? Hahaha! Naalala ko tuloy ‘yung Touchpoint. Hahaha! Sorry kung ang dami kong sinasabi. Tsk tsk. Bading talaga ako eh…

To: Steph Abelardo

Hahaha! Sino proctor niyo?

From: Steph Abelardo

Sir Marcus. Kayo? :)

To: Steph Abelardo

Maam Castillo. Malas nga eh. :/

From: Steph Abelardo

Hahaha! Good luck naman sa inyo! :P

Si Ma’am Castillo ang pinaka-terror na teacher sa buong fourth year. ‘Di ko nga alam kung mabait ba siya o hindi eh. Basta, itsura niya pa lang… nakakatakot na. Hahaha! Ganun naman talaga kapag mga terror teachers eh. Madala ka sa tingin. Awoo~

To: Steph Abelardo

Grabe nga eh. Harap na harap pa ako. :/

From: Steph Abelardo

Yaan mo na. Gwapo ka naman eh. Hahaha! =))))

Nuks! Sinabihan ako nang gwapo nang best friend ko! Hahaha! Bading…

I Remember It All Too WellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon