06 - We are five

34 6 1
                                    

We are five

"Mama..."

This is the moment I've been waiting for. Ang makita ulit ang Mama ko. Sobrang tagal kong hinintay ang oras na 'to. And right now, it's really happening na. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero hindi agad ako nakagalaw, I just let her hug me. After feeling her touch and warmth, kusa nalang akong umiyak at humagulgol.

"Ma..." My voice breaks.

I missed her so much. Lahat ng paghihirap ko sa bahay dahil sa kaputanginahan ng step mother ko, parang nawala na lang lahat ngayon. I missed you, Ma. Alam mo bang wala akong kakampi sa bahay? Alam mo bang siya ang may kasalanan bakit ako nandito?

"Shush, don't worry. Wala kang kasalanan dito. Kasalanan ko. Kasalanan ni Mommy. I'm sorry. It's my fault. Nakagat ka ba? Nasaktan ka ba? Ayos ka lang ba? I'm so sorry." Umiiyak na saad ni Mama habang hawak hawak ang pisngi ko at inihaharap ako sa kaniya.

Para akong batang inagawan ng kendi dahil sa lakas ng hagulgol at pag-iyak ko. Ni hindi na ako makapagsalita dahil gamol na rin ang pagsasalita at boses ko. Nanginginig na ang mga kamay at balikat ko dahil sa paghagulgol ko.

Tiningnan niya rin ang estado ko ngayon at mas lalo pang lumakas ang iyak niya. Nakita niya ang mga galos at sugat sa may panga ko, sa binti at ibang parte na galing siguro sa paggapang at pagtakas namin kanina ni Jevo. Palayo sa mga zombies na 'yon.

"I'm sorry. I'm kinda late, Tita. May mga sugat na si Sia-"

Napalingon ako kay Jiro na ngayon ay maamong nakatingin sa akin at kay Mama. Magkakilala sila ni Mama? Hindi ko man lang magawang magbuga ng isang salita dahil sa paghagulgol ko.

"No, Jiro. It's fine. As long as she's here. Nandito na siya." Saad ni Mama at tiningnan si Jiro.

Lumipat naman ang tingin niya kay Jevo at niyakap ito.

"Salamat. Salamat. Sobra!" Umiiyak na saad niya habang yakap si Jevo. "Thank you for keeping my daughter alive." She said.

Ngayon lang ulit kami nagkita makalipas ang ilang taon. Maraming taon. Dahan-dahan na rin akong kumakalma dahil sa paghimas ni Von sa balikat ko. Nang tiningnan ko si Von ay nginitian niya lamang ako at tinanguan.

Nang tumama ang ilaw sa mukha ni Mama, doon ko nakitang kulay puti na ang kaliwang mata niya. Bulag na siya. Bulag na ang kaliwang mata ni Mama. Napaiyak ako lalo doon. May mga tahi rin sa bandang noo niya.

Ang gupit ng buhok niya ay sobrang ikli na halos maging gupit lalaki na.

Pero isang bagay ang ipinagtaka ko ng sobra. Bakit nakatattoo sa leeg niya 'yon? Yung...

[ numero1584.900 ]

Konektado ba yung tattoo na 'yan sa peklat ni Jiro at sa pangalan kong nakalagay sa pader? Yung blood samples na ang label ay puro pangalan ko? Am I the cure? Ako ba? Kaya ba bumalik si Mama dahil ako ang sagot sa mga kapetchong nangyayari ngayon? Dahil ba sa akin at sa dugo ko... matatapos na ba ang mga bagay na 'to?

"Ma..."

Nang mapansin niyang nakatingin ako roon sa tattoo sa leeg niya ay itinaas niya ang turtle neck na suot niya, kahit hindi naman abot roon dahil nasa may bandang ibaba na likuran ng tenga niya naka-locate ang tattoo. Ayaw niya bang makita ko 'yon? Ako ba ang dahilan ng lahat ng mga bagay na 'to?

"Ma..." Nanginginig ang boses ko habang tinatawag ko siya.

Humigpit ang hawak ko sa mga documents na bitbit ko, lalo na sa libro kung nasaan ang numerong iyon.

"Ano 'yan?!" Galit na sigaw ko sa kaniya na kumulob sa buong lugar. Nakatingin pa rin ako sa tattoo sa leeg niya.

Parang bigla nalang umusbong at lumago ang galit sa kaloob-looban ko. Nagagalit ako kasi naghihirap ang Mama ko. Nagagalit ako kasi nabulag siya at hindi ko man lang alam ang dahilan. Nagagalit ako kasi bakit ngayon lang ulit siya nagpakita sa akin. Nagagalit ako sa sarili ko!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

the virus called numero (ON-GOING)Where stories live. Discover now