05 - Tunnel

12 5 0
                                    

Tunnel

Mukhang naiintindihan ko na kung bakit gustong makuha ni Jevo ang mga documents na ito. Mahalaga kasi. Hindi ko lang alam kung para saan pero alam kong mahalaga ang mga 'to. Sigurado ako.

Dahan-dahang tumayo si Jevo at inalalayan ko naman siya. Ako na rin ang nagbitbit noong documents para hindi na maging sagabal sa kaniya. Masakit na ang ang braso tapos pagbibitbitin ko pa, ano ako, gago?! Hindi ko maiwasang hindi mag-alala kay Jevo. Dumagdag pa sa isipin ko kung bakit naririto ang pangalan ng Mama ko.

"Your heartbeat stopped again." Sabi ko kay Jevo.

"I know." He sighed.

Aalalayan ko pa sana pero mukha namang walang masakit sa kaniya. Baka sabihin niya gusto kong lang yumakap sa kaniya, iba pa naman ang takbo ng utak ng mga lalaking mataas ang tingin sa sarili. Akala mo kung sino.

Hinawi ni Jevo yung kulay dark blue na kurtina at bumungad sa amin doon ang isang malaking book shelf. Maya-maya pa ay tinanggal ni Jevo ang lahat ng libro. Inihahagis na niya sa kung saan saan.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko kay Jevo.

"May pintuan dito. Trust me."

Hindi na lamang ako umimik at hinayaan na lamang siya sa gusto niyang mangyari. Mas matagal siya sa lugar na 'to, mas alam niya ang mga pasikot-sikot kaysa sa akin. Sigurado 'yon.

May hinagis siyang isang libro na nasalo ko. The title of the book is “NUMERO1584.900”. I don't think this is a book. Tinitigan ko iyon. Why this number is all over the place? Noong una ay nasa pader, sunod nasa documents, sunod andito sa mga librong nasa book shelf. Anong meron sa 'yo?

Pagbukas ko ay puro about sa experiments at specimens ang nakita ko.

"Go grab that." Saad ni Jevo. Sinunod ko naman ang sinabi niya at binitbit na lang 'yon.

Nang lingunin ko siya ay bukas na ang pintong sinasabi niya. May kaliitan kaya kailangan naming lumusot. Ako na ang pinauna ni Jevo. Fuck, may mga ipis at insekto pa. Halatang matagal na hindi nadaanan.

"Be careful, Siamaine."

Paglabas ko ay isang mahabang underground tunnel ang bumungad sa akin. Sementado naman pero basa ito. Kumbaga mukhang underground canal dahil may kaitiman din ang ilang parte nitong lugar, nakakadiri. Sana lang walang mga daga rito. Titili talaga ako.

"Tara na." Saad ni Jevo at isinarado na ang pintuan. Medyo lumangitngit pa nga iyon, eh.

Ang dilim dito sa loob ng tunnel. Napatingin ako kay Jevo nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Nagflinch pa ako dahil doon. Bakit ba kailangan niyang hawakan ang kamay ko?! Hindi naman ako mawawala, ah.

"Why?" Tanong niya sa akin at tiningnan muna ang kamay niya bago nagbalik ng tingin sa aking mga mata.

"Wala. Warm kasi ng kamay mo." Sabi ko kay Jevo.

Siya itong umaalalay sa akin ngayon. Kinuha niya ang flash light sa bulsa niya. Tangina meron siya non?! Akala mo boy scouts dahil sa pagkahanda, ah.

"Bakit I am ready ka naman ata masyado?"

"I've been here for years. Malamang sanay na ako. Ang kaibahan lang mas malala ngayon." Sabi ni Jevo sa akin.

Pagtapat ng ilaw ng flashlight niya sa pader nitong tunnel. Doon ko na nakita yung pangalan ko. Biglang nanlamig ang buong katawan ko. Kinilabutan ako. Bakit andiyan 'yan?!

[ BLOOD SAMPLE 01 : SIAMAINE VAM. ]

Tiningnan ako ni Jevo na may pagtataka sa mukha niya. Kahit ako ay nagtataka, eh. Hindi pa ako nakakapunta rito kahit isang beses sa buhay ko. Ngayon lang ako nakarating sa school na 'to tapos ganito pa ang nangyari.

the virus called numero (ON-GOING)Where stories live. Discover now