01 - Five o'clock PM

206 12 2
                                    


Note : Some of my characters are immature, insensitive, abusive, controlling and sometimes they're also narrow minded. Their names are kinda hard to pronounce. If you can't digest and accept their redflags and flaws, please do not proceed. I encourage you to stop here and stop scrolling. Thank you.

###


tw: strong language

###

Five o'clock PM

"Tangina." Pucha kasi.

My God! The nerve! Ang kapal ng mukha ng lalaking ito para harangan ako sa daraanan ko. Gutom na gutom na ako. Kumakalam na ang lecheng sikmura ko kasi wala pa akong kain simula kanina. Ni hindi nga man lang ako sure kung may Cafeteria o karendirya sa loob ng eskwelahan na 'to, e.

"You can't go outside." He made it clear. "I said, you can't go. Bakit ba napaka mapilit mo? There are zombies outside, you freak!" He added.

"Mama mo, zombies." Sabi ko at pinakyuhan siya. "Teh, ano tayo nasa pelikula? My God. Wala tayo sa Train to Busan." Sabi ko sa kaniya.

Akmang bubuksan ko na sana ulit ang pintuan nang biglang may kumalabog mula sa labas kaya naman napaatras ako mula roon. Pakshit?! Gago?! Ano 'yon? Napako tuloy ang tingin ko sa pintuang uugod-ugod na, kinakalawang na door knob, bako-bakong ilang patong ng pintura. Wala ba silang budget ni piso?! Akala mo bodega lang itong dorm sa pangit, e.

Pinigilan niya akong lumabas kaya naman pinanlisikan ko siya ng mata. Makuha ka sa tingin.

"Bakit, ha?! Sa tingin mo ba maniniwala ako sa 'yo?! Ulol! Mema ka boi! Masyado kang mema!" Sigaw ko sa kaniya.

"Bakit?! Akala mo ba nagbibiro ako, ha?!" Sigaw niya sa akin.

"Oo!" Sigaw ko pabalik.

"The student leaders or officers of this University are all boys because it has a reason!" Sabi niya at pinandilatan ako ng mata.

"Sus, gago ka!" Sabi ko at dinuro siya. "Ayaw mo lang talaga akong palabasin, e. Tangina." Sabi ko at napasuklay sa sariling buhok.

Humarap pa ako sa kaniya bago siya sinigawan, malakas iyon kaya sana mabingi siya. Pero dahil sa ginawa ko ay hindi siya mapakali. Tangina. Don't tell me na natatae siya?

[ BANG ]

Pagsigaw ko sa kaniya ay kumalabog nang malakas ang pintuan, para bang may mga nagkakagulo sa labas at dinig na dinig namin ang yabag ng mga paa nila na nagtatakbuhan sa iba't-ibang direksyon. Ang sigawan na umaalingawngaw at nag-eecho pa sa hallway. Ang mga kakaibang tunog na para bang humahabol sa mga tao.

[ BANG ]

Napatahimik ako nang biglang may humampas sa pintuan. Ang lakas ng kalabog at tunog nito na animo'y may hindi mawaring nilalang ang nasa labas. Hindi kaya... Oso?

"Shit. Be quiet." Bulong sa akin nitong lalaki.

Akala ko nagkataon lang na may humampas o tumama sa pintuan. Pero nakailang beses pa iyon kaya naman hindi ko maiwasang mapaatras sa tuwing hahampasin na naman iyon ng kung sino. Napatakip pa ako sa aking bibig upang hindi mapasigaw sa takot na nadarama. Shit. Ano ba 'yon? Tangina.

Whatever that is, I don't know that. I can hear a loud snarling sound from here. Napatingin tuloy ako dito sa lalaking kasama ko, matagal na siya sa University na 'to. Student leader pa nga siya gaya ng sabi niya, so he knows almost everything about this University. Maybe, he's right.

"Shush," he said and looked at me intently. I didn't flinch or even move. I won't.

Nakakafrustrate talaga tangina. Hindi ko man lang alam kung anong nasa labas, e. Kaalis ko lamang sa puder ng deputa kong Step mother tapos mukhang dito pa ako mamamatay, shit lang. Ang unfair naman ata, pucha. Tapos ano, eto?! Gago, for real? Dito na ba ako mamamatay?

the virus called numero (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon