CHAPTER 24: Papa

4 2 0
                                    

CHAPTER 24:

Renz's POV:

Ayon kay Papa kaya hindi rin siya makauwi ay hindi siya pinayagan ng kaniyang boss dati. Kung uuwi siya ng Pilipinas ay sagot niya ang kaniyang pamasahe subalit mahal ang pamasahe mula Singapore pauwi ng Pilipinas at hindi na siya makakabalik sa Singapore pag umuwi siya, kaya hindi siya nakadalo sa aking kaarawan noon.

"Ginawa ko ang Cyberzone para makasama ko kayo kahit nasa malayo ako. Nagtagumpay naman ako na maikalat ang aking imbensyon ngunit hindi ko parin magawa ang virtual reality na puwede maka-access ang lahat ng tao. Kung saan puwedeng magkita dito sa mundong ito kahit nasa malalayong lugar sapagkat kulang pa sa moderno ang teknolohiya natin ngayon kaya baka umabot pa ng 2040 bago ito matupad," seryosong pagsasalaysay niya.

"Pero nagagawa mo 'yon ngayon, Pa. Tignan mo nasa real world ka pero ang iyong hologram ay nandito sa Cyberzone. Magkasama tayo kahit nasa ibang mundo ka."

"Hindi pa 'yan, nak. Ang mithiin ko ay mararamdaman mo sa mundo natin ang mga nararamdaman mo dito sa Cyberzone kumbaga ay para kang nabubuhay dito ngunit nasa totoong mundo ka. Ang mundo kung saang puwede kang makipag kaibigan sa iba't ibang tao kahit malayo, ang mundo na maaari kayong gumawa ng mga tasks para maka ipon ng coins na katumbas ng totoong pera, ang mundo kung saan lahat ay pantay-pantay, ano man ang estado mo sa buhay o edad sa mundo natin, lahat ay pantay-pantay," paglalahad ni Papa.

Napangiti ako sa aking mga narinig. Nais ko ang kaniyang mga ideya tiyak na magiging maganda ang mundo natin pag nangyari ang lahat ng 'yon.

"Subalit ang XWeb, may sarili kaming ambisyon ngunit sa maling paraan ang kanilang ginagawa," dugtong pa niya.

"Dahil may mga taong nawawala?"

"Oo, panigurado ay may ginagawa silang kakaiba na hindi tama. Kilala ko ang may-ari ng XWeb subalit hindi ko matiyak kung sino sa kanilang dalawa."

"Dalawa?"

"Base sa aking mga nasagap na impormasyon ay babae o lalaki ang may-ari ng XWeb. Kagaya ko ay gumagamit din siya ng voice changer upang hindi mabunyag ang totoong pagkatao."

"Ah! Kaya pala boses babae siya. Miss Black po ba ang kaniyang pangalan?" tanong ko.

Napalingon siya agad sa'kin, "Miss Black? 'Yung guidance counselor niyo? Bakit? Paano mo nasabi?"

"Narinig ko po siyang kausap si Pharsa, at may kausap din po siya ngunit hindi ko po narinig masyado kasi nakatulog po ako eh-hehe," napakamot ako sa aking batok.

"Hmm... Gano'n ba. May paraan 'yan kaso medyo delikado para sa'yo. Kailangan kita dito sa tabi ko para hindi ka mamatay dito sa mundong 'to," napaisip ako sa kaniyang sinabi.

"Nabanggit sa'kin ni Nadine na patay na raw ako sa totoong mundo? Totoo po ba 'yon?" Takang tanong ko.

"Iyan ang hindi ko pa tiyak, pero maaaring mangyari 'yon."

"Pero bakit buhay pa ako dito sa mundong 'to? Tuwing walang malay lang po ako nakakapunta dito eh."

"Ang data mo kasi ay uploaded sa internet, lahat ng tungkol sa'yo ay nandito sa Cyberzone pati sa selpon mo kaya buhay ang karakter mo dito. May nilagay din ako sa'yo noong sampung taong gulang ka pa lang," paliwanag niya.

"Ano po 'yon?" Takang tanong ko.

"Sa batok mo, may nilagay akong chip sa loob. Ang nilalaman no'n ay codes para maaari kang makapunta sa mundong 'to, may malay man o wala ang katawang lupa mo subalit hindi ko pa gamay kung paano ka makakapunta dito habang gising ka kaya pag wala kang malay ang pinakamadali. Kaya ikaw ang susi, kailangan ka ng XWeb para sa kanilang ginagawa pero maaari ka nilang patayin upang ma-extract sa'yo ang chip at memories mo."

Inside of the Online WorldWhere stories live. Discover now