Chapter 5

2 2 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng aking alarm clock, alas 8 na pala ng umaga. Feeling ko dalawang oras lang ako nakatulog. Kasalanan talaga to ng mga tao kung bakit di ako makatulog kagabi.

Bumangon ako at naligo kahit kaunti lang ang tulog ko at nagsuot ng pambahay. Bumaba ako para mag-almusal at nakita si Mommy na nag-aayos ng mga halaman sa side ng bahay.

"Oh, gising kana pala." sabi nito. "Ipaghanda mo na lang kay Manang ang almusal mo."

Tumango na lang ako at pinuntahan si Manang Lydia at naghintay sa hapag. So common, it was just a hotdog, egg, bacon and rice. Pagkatapos kumain ay nagcellphone na muna ako at nagpasyang ipost ang mga picture ko kagabi.

Hays, thinking about what happened last night gave me a headache. I posted my pictures both Ig and Facebook with a caption of a rose. Madami na ito agad likes and comments, ganon kadali? I saw my friends comment already, gising na ang mga to?

@honeyall: so beautiful love!!!

@zilefdall: slay girl....

@itslarsyy: time check 8:45am btw so
                     pretty little sissy.

@cassiefr: that's my girl.

@aifle: so gorgeous my raisin:)

@itsdiego: beautiful

@nicksksk: my princess is so beautiful.

@itsreinnotrain: pretty.

Napakunot ang noo ko ng makita ang mga comment ng mga kaibigan ni Ivan, pati mga di ko kilala ay nagcocomment na rin.

@user: can i get your number?

@user: so pretty

@user: diba siya yung sa kasama ni
             Ivan kagabi sa party???

@user: wanna be my girlfriend??

@vinceniopogi: taken na siya guys

@mikaeltgayon: ganda ng asawa ni bro

@jakezn: @itsivanclint

What's with their humors, gosh. Buti na lang wala kami homework ngayon kaya nakakapagrest pako ngayon.

"Arf arf " sigaw ng aso kong si Happy.

"Happy." masayang sabi ko ng lumapit siya sakin. "Didn't saw you yesterday here." I said while patting her head.

"Nandon yan sa vet kahapon dahil may sakit." paliwanag ni Mommy.

Aww, poor Happy. Kinuha ko siya at nilagay sa kandungan. I took a photo of her face at posted it on my ig story with a caption of 'ok na baby ko'.

Habang nilalaro si Happy ay tumunog yung cellphone ko.

itsivanclint replied to your story

@itsivanclint: dog lover ka pala
@itsivanclint: btw good morning

Mukhang maganda ba ang umaga ko ha, di ako nakatulog dahil sayo.

@tine_ella: Yes, morning.

@itsivanclint: arf

Wala ako sa mood para makipagbiruan kaya I just left him on read.

Pagkahapon na ay nagpaalam nako kay Mommy na babalik na ako ng condo dahil may pasok na ulit bukas tapos nandoon pa yung mga gamit ko.

Kinabukasan ay maaga ako gumising as usual, nagsuot lang ako ng sky blue polo shirt and white white leg pants paired with white shoes. Inilugay ko lang ang buhok ko at nagdala lang ng pantali. Dinala ko ulit ang kotse ko, hindi na sumama sakin sina Honey dahil may dadaanan pa daw sila ni Lara. Pagdating ko sa school ay maaga pa.

Admiring the Stars(Ace Series #1)Where stories live. Discover now