Chapter 6

10 4 0
                                    

"Haba ng hair mo teh." kinuha pa ni Cassie ang buhok ko tsaka inihagis sa hangin.

Kinuwento ko kasi sa kanila ang nangyari doon sa sine. Nandito sila ngayon sa school namin dahil matagal na daw kami hindi nagkita-kita.

"Sabi ko na nga ba, may gusto yon sayo." sabi naman ni Honey. "Kailan pa daw?"

"Highschool."

"Tangina, highschool pa pala eh bakit ngayon lang siya umamin?" nagrereklamo pa itong si Honey, aba malay ko hindi ko naman naitanong sa kanya.

"Huwag mo muna yan sagutin Raesenella, kilalanin mo muna yan." parang ate tong si Elfia kung magsalita, well ate naman talaga siya.

"Ilan taon na ba yan ulit? 20?21?" hinawakan ni Lara ang ulo.

"19." sagot ni Kendall.

"May game sila this Thursday diba?" sabi ni Honey.

Tumango kami ni Lara.

"Punta tayo, tignan natin kung magaling ba talaga yan maglaro." nagkrus pa ng braso si Honey.

"Change topic. Saan tayo sa birthday mo Tine?" tanong ni Cassie.

"Hindi ko alam."

"Narinig ko kay Mommy na nag-usap daw sila ni Tita Elena, nagpapagawa na daw si Tita ng mga invitation para sa birthday mo."sabi pa ni Elfia.

Di ko to alam ha, tawagin ko nga mamaya si Mommy tungkol dito. Nag-usap-usap pa kami bago nagpasyang umuwi, sumabay sakin ang dalawa. Si Cassie at si Kendall naman ay may dalang kotse at si Elfia naman sinundo ng tatay.

"Punta tayo sa game nila ha, ako na ang bibili ng tickets natin." tumango na lang ako sa sinabi ni Honey, mukhang gustong-gusto niya manood ah.

Pagdating sa condo ay gumawa na agad ako ng plates. Pagkatapos ay tinawagan ko si Mommy tungkol sa sinabi ni Fia.

"Hello Mom."

Rinig ko ang paglakad niya dahil sa ingay ng heels nito."Hi sweetie."

"I heard from Fia that you're organizing a birthday party. Don't tell me it's mine."

"Oh, how did you know that? It's going to be a surprise birthday party pero alam mo na so hindi na yun surprise."

"Mom, you know I don't want a big celebration, just a dinner with family and friends okay na yun."

"No no, it's going to be your last birthday as a teen so we need to make it grand. Umuwi ka na lang sa Friday para sa iba pang details and to get the invitations." by that, she ended the call. Siguro busy yon.

Naglinis ako ng condo, nagluto ng hapunan, at nagstudy bago matulog. Kinabukasan ay nalate pako dahil anong oras nako nakatulog dahil sa kakastudy.

"You're late Ms. Valdez." sabi ng prof ko.

"I'm sorry sir." yumuko ako, he gestured me to go inside kaya pumunta na ako sa upuan ko.

"Bakit ka nalate?" pabulong na tanong ni Rein.

"Late nako nagising." sabi ko pa at inilabas ang binder ko para magjot down.

"Compensator is also called stabilizer. It consists of 2 fixed prisms and it creates an optical path between eye piece and objective. It results in exact positioning of the line of sight due to gravity." explain ng prof namin.

Bumuntong-hininga na lang ako dahil paulit-ulit na lang ito since 1st semester.

Ivan sent you a message

Admiring the Stars(Ace Series #1)Where stories live. Discover now