Chapter 1

12 2 0
                                    

"Class dismissed." pagkasabi non ay nagsitayuan na kaming lahat.



"San ka Rae?" tanong ng classmate kong si Rein.



"Canteen lang, sama ka?" inayos ko ang mga gamit ko at nilagay iyon sa loob ng bag.



"Sige." kinuha ko ang aking bag at sabay na kami lumabas ng room.



Habang naglalakad ay nag-uusap kami dalawa, awkward kasi pag tahimik lang kami pareho.



"Kamusta na pala kapatid mo? I heard naospital daw siya last week?" panimula ko.



"Okay na naman siya, natrigger lang yung asthma niya." we we're talking about her twin sister na nadala sa ospital.



Tumango ako sa kanya. Nang makarating na sa canteen ay kumuha na kami ng tray at kumuha na ng pagkain. Burger at lumpiang shanghai  lang ang kinuha ko dahil may dala naman na akong tumbler ng tubig.



Habang namimili si Rein ay napacheck na muna ako ng mga social media accounts ko, well nothing's new naman. I'm not popular naman kasi kaya binalik ko na lang ulit ito sa bulsa ng aking trouser.



Sabay kami pumunta ni Rein sa table para doon kumain pero may nakabangga pa ata ako.



"I'm sorry." sabi ko kahit muntik na mahulog ang tray na hawak ko. Tumingin ako sa taong nakabangga ko, looks like nahulog ang keychain niya kaya pinulot ko ito. "Uhm, excuse me, you drop this."



Napalingon siya sakin at mukhang nagulat pa, weirdo. Kinuha niya ito sa kamay ko, "Thanks." at naglakad na siya papunta sa counter at kami naman ay umupo na sa table namin.



"Kilala mo yon?" tumingin si Rein doon sa lalaking nakabangga ko. Umiling naman ako.



"No."



Kumain na muna kami habang pinag-uusapan ang tungkol sa bagong project na binigay kanina ng prof. Siguro hindi talaga kami mauubusan ng gagawin. Pagkatapos ay bumalik na kami sa classroom.



"A levelling staff is used to establish a what?" tanong ng strict naming professor.



Tahimik lang ang klase pag siya na ang nagtuturo, eh sino ba naman ang hindi tatahimik dito.



"No one?" tanong nito.



"Sagutin mo na." pabulong na sabi ni Rein.



Hay naku. Tinaas ko ang aking kamay sabay tumayo.



"Okay Ms. Valdez." walang emosyon siyang tumingin sakin at naghihintay na magsalita.



"A levelling staff is a straight rectangular rod, with graduations, zero starting from foot of staff. It is placed at the required point and horizontal line of sight from a level is made."



"Very good Ms. Valdez." pumalakpak pa nga siya kaya ganun din ang ginawa ng mga kaklase ko.



Umupo na ako at nakinig na sa discussion. After non ay tapos na ang klase para sa araw na iyon kaya pwede na mag-saya.



Aces

Honey: san na kayo mga babai?

Kendall: otw. I'm with Cassie and Fia

Raesenella: Palabas pa lang ng room.



May usapan kasi kami na magkita-kita ngayon dito sa Katipunan.



Admiring the Stars(Ace Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang