Chapter 3

8 1 0
                                    

"Kain tayo ng isaw." aya ni Lara.



I miss eating street foods. Friday na ngayon kaya uuwi ako mamaya sa bahay.



"Tara na." lumabas kami sa campus para kumain ng street foods. Kinuha ko yung kwek-kwek at nagbayad na.



"Isa pong fishball." abot ng tao yung pera niya kay manong, ang lapit naman ata niya sakin.



Lumingon ako kung sino ito at nagulat na naman sa presensya niya.



"Oh." mukhang nagulat din siya sakin pero nakabawi rin ng binati niya ako. "Hi." nakangiting sabi nito.



"Hello." hindi ko siya tinignan at lumapit na kina Lara na nandoon sa gilid at kumakain ng isaw.



"Si bro pala yon." may halong tukso yung tingin nila at tumatawa pa.



Hindi ko pinansin ang panunukso nila, tumingin ako sa lalaki na ngayon ay isaw naman ang kinakain.



"Hoy." tinapik ako ni Honey sa balikat. "Baka matunaw yung tao."



Natawa ako sa sinabi niya, tapos na ako kumain kaya tinapon kona ang baso sa tabing basurahan.



Hindi na kami nagtagal doon dahil kailangan ko na umuwi sa condo para kumuha ng mga essential things ko. Sumabay naman sakin ang dalawa papunta doon.



"Goodluck sa party, don't forget to send me a pic para imyday kita." Honey winked at me.



Pumunta na ako sa taas para kunin ang mga gamit ko at nagdrive na pauwi ng bahay. The comfort aura I felt when I step outside the car really brings a lot of happy memories.



"Welcome home Tine." bati sakin ni Ate Isabel, isa sa mga katulong dito sa bahay. Kinuha niya ang bag kong dala kahit ang sabi ko kaya ko na iyon.



Ngumiti ako sa kanya. "Si Mommy?" pumasok na kami sa bahay.



"Nag-grocery po." tumango na lamang ako.



Dumiretso ako sa aking kwarto, it was a pastel pink color, sky blue, and white with a king sized bed. I miss my old room. Naglinis na muna ako ng katawan at nagsuot ng t-shirt and short.



Pagkababa ko ay naroon na si Mommy na kakarating lang. "Sweetheart." she gave me a kiss on the forehead.



"What are you cooking?" tanong ko ng makita ang mga pinamili niya.



"Chicken Adobo, Lasagna, and pasta." she said. Hmm, my favorites.



Tinulungan ko si Mommy na magluto. Pagkatapos iyon ay nagshower na muna ako para pagdating ni Daddy ay kakain na kami.



Narinig ko ang kotse sa baba kaya bumaba nako at nakita ang lalaking kakarating lang.



"Oh you're here na pala." hinalikan ako ni Daddy sa tuktok ng ulo tsaka kami sabay naglakad papuntang dining.



"Nagluto kami ni Mommy." proud na sabi ko sa kanya, ngumiti siya sakin. Umupo na kami sa kanya-kanyang upuan habang naghahain na si Manang.



"Nadala na ba ang mga damit na gagamitin natin bukas?" tanong ni Daddy na ngayon ay naglalagay na ng kanin sa plato niya.



Tumango si Mommy. We ate and catch-up. Marami ako nakain dahil gusto ko ang mga pagkain na nakahain ngayon. It's not that mapili ako, pero iba kasi ang gana mo pag gusto mo yung pagkain.



Admiring the Stars(Ace Series #1)Where stories live. Discover now