Chapter 20

66 7 6
                                    

Daniel







“Ayos lang ba yung damit na pinahiram ko sa iyo?”

Tanong niya sa akin. tinignan ko naman sarili ko sa salamin. Malaki sa akin yung t-shirt niya na kulay plain white na may design na super Mario. Pinahiram niya rin ako ng short na black na maliit na parang boxer na sa kaniya pero sa akin hanggang hita lang.

Pinahiram niya rin ako ng perdible para ma i-pin ko yung short na iyon at hindi ako mahubaran.

“Okay na ito. Comfortable ako sa suot na ito.”

Sagot ko naman.

Nilingon ko naman siya, nasa tapat siya ng cabinet niya na malaki at nakita ko siyang nagsusuot siya ng plain na white na sando, nakasuot na siya ng jersey short na black.

Bigla ko inalis ang paningin ko sa kaniya kase nakita ko ang abs niya na anim. at yung chest niya na umbok na pareho pati narin ang nipple niya na brown na brown. Pinoy na Pinoy ang kulay.

“Patingin nga?”

Sabi niya. Napakurap ako at saka bumuntong hininga sabay harap sa kaniya.

“Cute mo tignan diyan.”

Compliment niya habang nakangiti.

Hindi ako makatingin sa kaniya kase naiilang ako ng kaunti.

“S-Salamat.”

Sagot ko naman.

“Namumula ka yata? Anong problema?”

Tanong niya sa akin.

“Ha? Ahh hindi... naiinitan lang ako.”

Sabi ko sabay tumalikod sa kaniya at naglakad patungo sa malaking bintanang salamin at pinaypay ko ang kamay ko.

“Mainit? Naiinitan ka? Wait, check ko lang yung aircon baka mahina.”

Sabi naman niya.

Napansin ko yung aircon sa bandang itaas sa gawing kanan ko malapit sa malaking bintana kung nasaan ako. napalunok ako ng laway ko.

Lumapit siya sa aircon sabay taas ng kamay niya, tinapat ang kamay niya sa labasan ng hangin nito. Sabay may kung ano'ng in-adjust sa pindutan nito.

“Ayan? Okay na ba?”

Tanong niya sabay lapit sa akin kung nahahanginan sa gawi ko.

Tumalikod naman ako nung nakalapit na siya sa akin. Naramdaman ko ang presensya niya na malapit sa likod ko, naramdaman ko din ang buga ng aircon sa gawi ko kaya nalamigan na rin ako.

Pero napalitan iyon ng buga na medjo mainit na hangin kaya nilingon ko kung bakit medjo mainit na hangin ang naramdaman ko. Pero pagkalingon ko ay nabungo ako sa matipuno niyang dibdib.

“Ayyyy...”

Sabi ko at kamuntikan akong matumba pero hinawakan niya ng mabilis ang braso ko para hilain niya ako patayo.

Hindi ko ma-imagine na nakatayo pala siya sa likod ko at nakaharap siya sa likod ko, ang akala ko ay sinusuri niya kung tatama ba ang buga ng hangin ng aircon sa gawi ko.

“Ayos ka lang?”

Tanong niya sa akin habang hawak niya ang magkabilaan ko na braso.

Nakatingin lang ako sa kaniya at ganun din siya sa akin.

“A-Ayos lang ako. S-salamat..”

Sagot ko sa kaniya.

“Hmmm... Pansin ko parang iniiwasan mo ako ng tingin simula pa kanina? Haha may problema ba sa akin?”

THE DOCTOR'S SLAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon