Chapter 8

91 9 5
                                    

Daniel




“Wala pa yata yung shuttle service natin.”

Sabi ni Hadji.

Marami na akong alam mula sa kaniya, isa siyang Muslim. Registered Pulmonologist siya at kagaya ko rin malapit na kami mag isang taon sa hospital na pinapasukan namin.

Malapit na rin kami maging regular kaya makakakuha na kami ng mga availment sa hospital na pinapasukan namin.

“Mukhang wala pa nga, napaaga tayo ng dating.”

Ngiting sabi ko sa kaniya.

Naglakad kami palapit sa waiting shed at doon naupo. kinuha ko ang cellphone ko para tignan ang Group Chats namin mga NA sa floor namin dahil doon nag po-post ang mga seniors ko ng report kung ilan ang census o bilang ng pasyente sa floor namin ngayon.

Naramdaman ko naman si Hadji sa tabi ko na parang hindi mapakali. Kaya naman pinatay ko muna cellphone ko at saka siya binalingan.

“Okay ka lang?”

Tanong ko sa kaniya. Nilingon naman niya ako at saka siya tumango sabay ngiti.

“Naiihi kase ako eh haha..”

Natatawang sabi niya.

“Ahh ganun ba?”

Sagot ko. Luminga linga naman ako sa paligid at saka napansin ko na may puno sa tabi ng waiting shed. Wala naman nakapaskil doon na bawal umihi.

“Psst. Hadji..”

Tawag ko sa kaniya.

“Bakit?”

Tanong naman niya sa akin.

“Yung puno sa tabi nitong waiting shed. Doon ka umihi habang walang tao at walang nakatingin.”

Bulong ko sa kaniya. Nilingon naman niya yung puno at saka nagpalinga linga siya sa paligid kung May taong nakatingin. Kakaunti lang ang tao na dumadaan kaya pasimple siyang tumayo at naglakad lakad palapit sa puno.

Umihi siya sa likod ng puno habang nakatalikod sa akin o sa gawi ng daraanan ng tao. Ako naman kumuha ng kalahating tubig sa tubigan ko at sinalin ko sa plastic na bote na walang laman na nakita ko sa paanan ko saka duon sinalin ang laman ng tubig galing sa tubigan ko at saka binigay sa kaniya.

“Ano'to?”

Takang tanong niya.

“Ibuhos mo doon sa inihian mo para hindi pumanghi.”

Sabi ko sa kaniya. Tinanggap naman niya yun sabay bumalik sa inihian niya at saka binuhos ang tubig doon.

Pagbalik niya sa tabi ko tinapon niya ang bote na plastic.

“Salamat ah.”

Ngiting sabi niya.

“Wala yun.”

Sagot ko naman.

“May tanong ako sa iyo.”

Sabi nito sa akin.

“Ano yun?”

Tanong ko.

“Nagkaroon ka na ba ng boyfriend noon? Relationship?”

Tanong niya sa akin.

Natigilan ako sa tanong niya sa akin.

“Bakit mo naitanong?”

Tanong ko naman sa kaniya.

“Wala. Na curious lang ako.”

Sagot niya.

THE DOCTOR'S SLAVEWhere stories live. Discover now