Chapter 2

118 10 10
                                    

Daniel




Ilang araw na ang lumipas matapos ang unang araw ko rito sa trabaho ko bilang Nurse Assistant sa pribadong Hospital na ito.

Nakakapagod din pala ang gawain namin mga nurse assistant sa totoo lang, kung baga lahat ng physical skills ng mga nurse ay sa amin napunta. Ang mga license nurse naman na partner namin sa paghawak ng pasyente ay taga bigay lang ng gamot at taga monitor ng mga Doctor's order sa chart ng pasyente.

“Tapos ka na Sir Daniel? Tara na umuwi na tayo.”

Aya sa akin ni ma'am Ash. wala ngayon si Ma'am Rose dahil off niya ngayon at iba ang naging preceptor ko sa araw na ito. Hindi si Ma'am Ash kundi si Ma'am Ana. nabigla ako kay Ma'am Ana sa totoo lang dahil bigla na niya lang ako binitiwan sa pagtra-train niya sa akin.

Binigyan niya ako ng 8 na pasyente, mabuti na lang at alam ko na ang gawain ko bilang Nurse Assistant. Hindi na rin ako nagsumbong kay Ma'am Ash dahil baka pagsabihan niya itong si Ma'am Ana at malintikan pa ako.

Napapansin ko rin ang mga ugali nilang lahat kagaya nitong si Ma'am Ana, pala utos siya na dapat gawain namin ay pinapasa niya sa iba lalo na sa mga nurse talaga.

Kung minsan ay inuutos niya sa akin na dapat siya ang gagawa pero hindi naman ako pwede magreklamo dahil baka isumbong ako sa head nurse ng floor namin. Kaya wala akong choice kundi sundin ang utos niya.

Siya? Kung ano ginagawa niya? Wala siyang ginagawa. naririnig ko rin sa iba mismo nanggaling na sipsip daw ito sa head nurse namin kaya pasarap buhay ito at wala masyadong ginagawa.

Kagaya ngayon, hindi pa ako tapos mag plot sa desktop ng mga na-record ko na nga vital signs ng mga pasyente ko ay inutusan na naman niya ako na dapat siya mismo ang gagawa. In short pinapasa niya sa akin ang trabaho niya.

“Pasukin mo yung room na iyon at kuhaan mo ng BP yung pasyente, manual ahh!? hindi digital. bilis! Kailangan na ni Doc ngayon yun.”

Utos nito sa akin. Napatayo na lang ako sa kinauupuan ko at saka sinunod ang utos niya.

Naglakad na ako sa hallway papunta sa room na iyon. Bumuntong hininga na lang ako at saka napairap na lang ang mga mata ko sa kawalan.

“Kung pwede nga lang mag request na mag pang gabi, dati ko pa ginawa. pero hindi pwede dahil probationary pa lang ako. Kainis!”

Sabi ko sa isip ko.

Nung nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto ng pasyente ni Ma'am Ana ay kumatok na ako sa pinto nito at saka binuksan iyon.

Bumungad sa akin ang pasyente na Naka upo sa higaan niya mismo at nakatingin sa akin.

“Uhm, Hello po. Utos po ni Doc na kuhaan po kita Ma'am ng BP po ulit Manual. Okay lang po ba ma'am?”

Magalang ko na tanong sa kaniya.

“Ako na kumuha ng BP niya thru manual.”

Natigilan ako nung may magsalita sa gilid ko. Hindi ko napansin na nandun ang Doctor na naghahanap ng latest BP ng pasyente.

Nagkatinginan kami ng Doctor na iyon. Mukha siyang mga nasa 27 years old. Maputi, matangkad at medjo malaki ang pangangatawan na halatang nag g-gym ito. Nakasalamin din ito at mapanga.

“Uhm.. s-sorry po Doc, kanina pa po ba kayo narito sa loob ng room ni patient?”

Nauutal ko na tanong sa kaniya dahil ang lakas ng charisma niya o ng appeal niya na parang isang leon at ikaw ang biktima niya aamuyin ka muna niya bago ka niya kainin ng buhay.

THE DOCTOR'S SLAVEМесто, где живут истории. Откройте их для себя