Chapter 6

103 9 9
                                    

Daniel




Mabilis lumipas ang mga buwan at ngayon ay magpapasko na. Ito ang unang pasko ko rito sa hospital hindi bilang pasyente kundi bilang isa sa mga trabahador nila rito.

Kaunti lang ang census namin ngayon like mabibilang mo lang sa daliri mo haha, hindi tataas ng 15 ang pasyente namin ngayon marahil ay ayaw nila mag-pasko rito sa hospital kaya nag re-request sila na i-discharge na kaagad sila.

Nasa kalagitnaan ako ng pag mo-monitoring ng mga linen sa desktop namin dito sa station nung may nang istorbo sa akin, iyon pa naman ang pinaka ayaw ko. Ang istorbohin ako sa kalagitnaan ng pag fo-focus ko sa ginagawa ko.

“Uhm, good evening po. Pwede po ba ako humingi ng tulong sa inyo?”

Magalang na sabi nito sa akin. Napalingon naman ako sa kaniya and all of the sudden ay nawala ako sa focus ko at natulala ako sa kaniya.

Hindi niyo ako masisisi kung bakit ako napatulala sa lalaking ito ngayon, paano ba naman? Maputi, medjo matangkad sa akin ng kaunti na parang hanggang balikat niya lang ako, itim na itim din ang makapal nitong mga buhok.

Medjo singkit at mapupungay ang mga mata nito na para bang nakikipag usap din when it comes to eye to eye contact. At higit sa lahat ang boses niya na malalim, sobrang kalmado, husky na baritone voice na para kang inaakit.

“Sir? Okay ka lang po ba?”

Tanong niya ulit sakin.

“Ha? Haha... I-i'm sorry, ano nga ulit iyon?”

Natawa kong sabi dahil nahuli ko ang sarili ko na tulalang nakatitig sa kaniya kaya napahiya ako sa inasta ko.

“Haha... hihingi po sana ako ng help sa inyo po.”

Natatawang sabi nito sa akin.

“Ahh... Okay, haha ano ba'ng tulong?”

Tanong ko sa kaniya na natatawa din.

“Taga pulmo po ako, uhm... pa help po sana ako sa paghanap ng meds ni 710 po. hindi po kase makita po eh.”

Sabi nito sa akin.

“Okay sige, Sundan mo ako Sir? Ano po name niyo?”

Tanong ko sa kaniya.

“Sir Hadji po.”

Nakangiti nitong sagot niya sa akin.

“This way po Sir Hadji.”

Masayang sabi ko sa kaniya at saka ko iniwan ang trabaho ko sa station at naglakad ako papunta sa likod ng station kung saan nandoon ang medicine room na pinaglalagyan ng mga gamot ng mga pasyente namin.

Lumapit ako sa malaking kabinet na nakadikit sa pader. May dalawang malaking kabinet kase nakadikit sa pader ang sa kaliwa ay kabinet na lagayan ng mga gamot ng pasyente. (High alert drugs, vial, ampule, powder, tablet and capsule. Basta may mga label yun like name ng pasyente at kung anong room para hindi magkahalo-halo) ang sa gawing kanan naman na kabinet na malaki ay yun yung mga medical supplies na nakapangalan din sa bawat pasyente na ginagamit sa kanila.

For example, syringes, CBG o pang kuha ng blood sugar sa kanila, mga starter kit like gauze pad o Gaza at kung ano-ano pa.

“Room 710... Iyon Sir Hadji sa bandang taas pa.”

Sabi ko sabay turo sa pinaka taas na box na may label na room 710. hindi ko kase maabot pero pinipilit ko abutin iyon.

“Ako na po kukuha, mukhang hindi mo po kase abot Sir.”

THE DOCTOR'S SLAVEWhere stories live. Discover now