Chapter 21

117 9 9
                                    

Hadji






“Nagluto ako ng afritadang manok, sana magustuhan mo.”

Sabi ko sa kaniya nung nasa harapan na kami ng mesa.

Sa kanang side siya ako naman sa kaliwa bale magkaharap kami dalawa.

Nung makaupo na kami dalawa, inabot ko sa kaniya ang mangkok na may laman na ulam na niluto ko para siya mauna mag sandok ng ulam sa pinggan niya.

“Thank you.”

Sagot niya nung tinanggap na niya yung mangkok na may laman na ulam.

Pinagmamasdan ko lang siya sa pagsandok niya ng ulam.

“Be careful, mainit pa. Damihan mo lagay sa pinggan mo ng ulam, marami pa iyan sa kawali.”

Sabi ko. Tumango lang siya.

After niya mag sandok ng ulam ay binigay na niya sa akin yung mangkok.

Pero hindi pa siya sumusubo.

Matapos ko mag sandok ng ulam ay aakma sana ako susubo ng kutsara ko na may laman kanin at ulam nung bigla siya tumikim.

“Ehem” (pagtikim niya)

Napatingin ako sa kaniya na nagtataka.

“Why? Is there a problem?”

Tanong ko.

“Naghugas ka na ba ng kamay mo bago kumain?”

Tanong niya sabay taas ng kanang kilay niya.

Tsss...”

Sagot ko, napayuko ako at napangiti.

“Eto na maghuhugas na po ako ng kamay po... How about you? Naghugas ka na rin ba ng kamay mo?”

Tanong ko sa kaniya.

“Well, nauna ako sa iyo kanina.”

Sagot niya.

Tumayo ako at saka naglakad patungo sa sink at naghugas ng kamay ko.

Bigla ko naalala noong bata pa ako, ganito din si mama sa akin. Sisitahin niya ako sa hapag kung kailan paumpisa na ako kumain, tatanungin niya ako kung naghugas na ba ako ng kamay ko o hindi pa. Kaya naman nabibitin ako sa pagkain.

“Okay, I'm done.”

Sagot ko sabay pakita ko dalawang kamay ko na basa at pinunasan ko ang mga ito ng towel na maliit.

“Good. maupo ka na.”

Sagot niya. Naupo na ako sa upuan ko at nag start na kami kumain.

“How's the taste? Masarap ba?”

Tanong ko sa kaniya.

Puno ang bibig niya ng pagkain at napatingin siya sa akin. Napangiti ako dahil kahit sa pagkain ay hindi maitatago ang pagiging cute niya.

Tumango naman siya bilang sagot. Napansin ko rin na kaunti na lang ang kanin pero marami pa ang ulam sa pinggan niya.

“You want more rice? Mukhang kaunti na lang kanin mo.”

Alok ko sa kaniya. Iaabot ko sana ang mangkok na may laman na kanin sa gitna namin pero naunahan na niya ako.

“Sobrang gutom na gutom ka nga.”

Sabi ko. Natigilan siya sabay balik ng mangkok ng kanin sa gitna.

“Oh, kaunti pa iyan. Damihan mo...”

THE DOCTOR'S SLAVEWhere stories live. Discover now