Prologue

323 16 3
                                    

Third Person's POV:





“Doc Hermes? Nandyan po ba kayo sa loob? Hello Doc?”

Boses ni Daniel habang kinakatok ang pintuan ng Conference Room ng mga Doctor.

Alas dos na ng madaling araw niyon, nasa nurse station si Daniel at kasalukuyang nag u-update ng bilang ng mga linen sa monitoring sheet nito matapos humingi ang isang relative ng pasyente ng extra Bedsheet sa kaniya.

Nagbawas siya ng isang Bedsheet sa Circulating sa loob ng linen room at binigay iyon sa relative ng pasyente. hindi pa tapos mag update ng bilang ng mga linen sa monitoring sheet si Daniel nung may lumapit na naman na relative ng Pasyente sa kaniya sa station at hinahanap ang Care provider nito na walang iba kundi si Doc Hermes.

Kasalukuyang nakatayo sa harap ng pintuan ng Conference Room ng mga Doctor si Daniel at kinakatok ang pintuan na iyon na nakasarado.

“Baka wala si Doc Hermes dito sa loob, baka nasa Doctor's Lounge.”

Sa isip-isip ni Daniel dahil walang sumasagot sa bawat katok niya sa pinto. Akmang aalis na sana si Daniel nung may marinig siyang mahinang boses sa loob ng kwartong iyon. Natigilan siya at bumalik ulit sa tapat ng pintuan.

Nakiramdam siya nung una at sabay dinikit ang tenga sa pintuan na iyon. Pinakinggan pa niya lalo kung May tao ba sa loob ng kwartong iyon.

Nakarinig ulit siya ng mahinang boses na para bang ungol ng isang lalaki. Nakaramdam siya ng takot dahil baka nasa loob si Doc Hermes at may nangyari na ito sa kaniya. Agad naman hinawakan ni Daniel ang seradura ng pinto at dahan-dahang pinihit iyon para buksan.

Bumukas ang pinto ngunit maliit lang ang bukas nito dahil kontrolado ni Daniel ang pagbukas nito para silipin niya ang loob nito. Napansin niya na sobrang dilim sa loob nito ngunit unti-unti lumilinaw ang baritonong boses ng lalaki na para bang hinahapo at umuungol.

“Doc Hermes? Nandyan ka po ba sa loob?”

Tanong ni Daniel. Wala siyang nakuhang sagot kaya naman dahan-dahan niyang binuka ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok siya sa loob na hindi niya na lang sana ginawa.

Pagkabukas ng pinto tuluyan ay nakailang hakbang na siya papasok sa loob, wala siyang naaaninag na kahit na ano kundi dilim at lamig ng paligid na nanggagaling sa aircon.

“Wala nga talaga dito si Doc Hermes, baka nga nasa Doctor's lounge na yun.”

Sabi nito sa sarili niya. Tumalikod na siya at magsisimula na sana siyang maglakad palabas ng kwarto na iyon ng biglang may humawak na mahigpit na kamay sa braso niya at hinatak siya nito papasok sa loob.

Sisigaw na sana si Daniel ngunit mabilis tinakpan ang bibig nito gamit ang malapad na kamay ng taong humila sa kaniya papasok sa pinaka loob ng kwartong iyon. Kasabay ng pagsara ng pintuan.

Nagpupumiglas ng malakas si Daniel ngunit hindi niya kayang makawala sa taong iyon. Umakyat ang buong takot, kaba na kanina pa niya nararamdaman sa buong katawan niya.

“Hmmmm.... Ang bango mo sobra, mas lalo tuloy akong nababaliw sa iyo na tikman ka.”

Bulong ng isang baritonong boses ng lalaki sa kanang tenga niya. Kusang naglabasan ang mga luha ni Daniel sa mga mata niya nung makilala niya ang boses ng lalaking iyon.

“Alam mo ba na matagal na kitang pinagnanasaan tikman at hagkan? Pero p*tang ina sa bawa't lapit ko sa iyo ay agad ka naman umiiwas?”

Galit at halatang nanggigigil na sabi nito sa kaniya.

“Kaya pasensya na lang sa iyo kung idadaan kita sa ganitong paspasan. Hindi ako makakapayag na matikman ka ng iba, dadaan ka muna sa akin. Pagsasawaan muna kita bago ka mapunta sa iba.”

Nakakalokong bulong nito sa kaniya. Umiling-iling habang umiiyak si Daniel, kontrolado ng Doctor na iyon ang mga kamay niya pati narin ang bibig niya.

Walang ano-ano ay bigla na lang napapikit sa sakit si Daniel dahil sa may kung anong tinurok sa kaniya sa leeg pagkatapos ay namanhid ang buong katawan niya at nanlabo ang buong paningin niya kasabay ng pagkawala ng malay niya.

Hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari. Nagising na lang siya na nasa isang kwarto siya na hindi kwarto ng pasyente o tulugan ng mga Doctor sa lounge. Kundi sa isang hotel. Ang masaklap pa ay hubo't hubad siya. Nananakit ang mga binti at hita niya ngunit mas nakaramdam siya ng pananakit sa kaniyang pang upo.

Hinila niya ang puting kumot na May bahid ng dugo para takpan ang katawan niya na sinamantala at binaboy ng hayop na Doctor na iyon. Walang nagawa si Daniel kundi ang humagulgol sa pag iyak dala ng bigat ng nararamdaman niya ngayon. Kulang pa ang paghagulgol niya sa pag iyak dahil hindi niya mailabas ang bigat ng nararamdaman niya kasama ang galit rito.

“Napaka hayop mo Hermes! Hayop kang demonyo ka... Magbabayad ka sa ginawa mong pangbababoy mo sa akin!”

Galit na sigaw ni Daniel habang umiiyak.

“Hayop! Hayop! Hayop ka!”

Patuloy niyang sigaw sa galit.

“Papatayin kitang Demonyo ka!”

Galit na sabi niya habang nakakuyom ang mga palad niya na nakahawak sa kumot.

“Ibubulgar ko ang tinatago mong sikreto na ako lang ang nakakaalam, hindi ka tumupad sa kasunduan natin. Matagal kong tinikom ang bibig ko upang hindi ko sabihin sa iba ang nalalaman ko tungkol sa iyo na ako mismo ang nakadiskubre. Sinunod ko lahat ang napagkasunduan natin tapos ganito ang gagawin mo sa akin bilang ganti? Napaka hayop mo talaga! Magbabayad ka sa ginawa mo sa akin...”

Gigil na sabi ni Daniel na para siyang bulkan na sasabog na anumang oras o minuto.

Nagising siya na wala si Doc Hermes sa tabi niya, magulo ang higaan na hinihigaan niya ngayon at may bahid ng malaking dugo sa kinauupuan niya ngayon gayun din sa kumot na tumatakip sa buong katawan niya ngayon.

Wala siyang nagawa kundi ang umiyak at isubsob ang kaniyang mukha sa mga hita niya.


THE DOCTOR'S SLAVEWhere stories live. Discover now