Chapter Thirteen: New Look

Start from the beginning
                                    

"Ay sus maria! Anong nangyari sayo?" Narinig kong bulaslas ni Nana Tonya bago ako tuluyang makaalis.

Maisip ko lang ang itsura ni Jared kanina ay natatawa na ako.

Buti nga sa kanya!

<Riley POV>

Mayroon akong hinahanap na hindi ko makapa. Hanggang sa magbagsakan sa sahig ang lahat ng laman ng tokador.

Tsk! Napakamot na lang ako ng ulo. Sa pagkakaalam ko ay dito lang nakalagay iyon.

"What do you think you're doing, Baby boy?" Si Sam na bigla na lamang sumulpot sa tabi ko.

Napangiwi ako nang marinig ko na naman ang Baby boy na iyon! 

"Nothing!" Nakasimangot na sagot ko at saka lumabas ng banyo. Pero nakasunod pala siya sa likuran ko.

"Bakit ka nakasimangot?"

Hindi ako sumagot. Gusto ko sanang maalala niya ang naging pag-uusap namin kagabi.

"Ano ba ang hinahanap mo? Kailangan mo ng tulong?"

"I don't need your help! Just leave me alone!" I snapped. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nag-init ang ulo ko.

"Okay fine! Nagsusungit ka na naman! Halika na Buddy. Layasan na natin itong amo mo!"

Bigla akong naalarma. "Saan ka pupunta?"

"Eh di ba pinapaalis mo na ako? Kaya aalis na ako. Kami pala ni Buddy."

"Hindi naman kita pinapaalis." Naiinis na sabi ko.

"Kakasabi mo lang kanina. Kahit tanungin mo ba itong aso mo?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Fine! Kasalanan ko na! "I'm sorry. I don't mean it." Anong maaari kong sabihin kundi iyon.

"You're forgiven!" Mabilis na sagot niya. "So ano nga pala ang hinahanap mo?"

Ganon lang kadali iyon? Ine-expect ko pa naman na pahihirapan niya ako bago niya ako patawarin.

"Don't bother. Tulungan mo na lang ako pumili nang isusuot ko."

"Aalis ka?"

"May lakad kaming dalawa ni Jared?"

"Saan kayo pupunta?"

"I don't know. Sabi niya siya na raw ang bahala."

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Where stories live. Discover now