26

50 2 0
                                    



Dreams

The days turned to weeks and weeks turned to months. Limang buwan na rin ang lumipas mula nung umuwi ako dito sa Cebu. Ganon na rin katagal simula nung huli nakakasama si Jandrik. And still no signs of worries. We have been contacting each other constantly, minsan lang nakakaligtaan. Mga oras na dadalaw siya sa site ng tinatrabahong daan, at tatawag ako. Hindi niya nasasagot dahil abala.

One week after the incident, where a familiar name yet feels foreign to me was mentioned by Aubrey, she invited me for us to catch-up. Binalitaan ko siya na nag-aaral na ulit ako for masters kaya hindi napaunlakan ang invitation niya. Pero nagpupumilit siya. She won't take no for an answer.

"Sige na isang araw lang naman eh, pagkatapos nito pwede ka na mag-aral ulit. Minsan lang ako nagkaka day-off sa anak ko tatanggi ka pa." ani nito sa isang tawag.

Now she mentioned it, diba sinabi niya sa isang text noong nakaraan na buntis siya? Ano to ngayon, tatlong buwan lang siya nagbuntis? Ano siya opossum species? 3 months lang? Wala na talagang itatagal? Hindi man lang nagpaabot ng 9 months lumabas agad? Sino ang tatay?

Hari ng opossum?

I got curious by her sudden news about her being a mother. I've got no choice but to agree with it. Busy man, binalewala ko na. Bahala na. I am also curious about her life for the past years. I want to know what happened between her and Zander.

After her never ending persuasion about us meeting again, binigay ko na. Sumuko ako, dahil maging ako ay kuryoso na din sa kanya at balak ko na kapag magkikita kami, itatanong ko sa kanya ang babaeng sinabi niya sa akin.

Maybe there are things that only Aubrey knew? Sa pagkakaalam ko, wala dito sa Pinas si Jandrik nung nangyari ang accidente. Nasa Germany siya, pero alam kong si Aubrey din naman. She flew out of the country dahil susuko na siya kay Zander. Paanong may alam si Aubrey sa mga bagay-bagay tungkol sa akin na hindi alam ni Jandrik? Gayong pareho silang wala sa bansa?

Maybe he did not investigate or research enough about me? Baka may nakaligtaan siya

"Okay." tanging sabi ko. The other line grew in silence for a moment. Akala ko binaba niya na matapos akong sumang-ayon. But that wasn't the case.. Nagsisigaw si Aubrey sa kabilang linya. Maybe she's too happy to see me again. Ganon din naman ako sa kanya at sa pamangkin ko. Well, I heard from her na hindi pa ito napapa binyagan. Kaya may high chance na maging ninang pa ako.

Base sa mga flashback na nakikita ko tuwing may nagtritriger sa akin. I can already sense what really happened before. It was like a glimpse of my past memory. Bago at habang nangyari ang aksidente.

I can see it.

I was running for my dear life like there is something or someone who's running for me, like it wants to capture me. I was panting like hell. At sa isang iglap, I can feel my body thrown somewhere, by something.

For the past two months, I am still thinking of what Aubrey said during that day. I was thinking of meeting tito Merceli again, pero hindi ko alam kung nasaan siya. I lost my contact with him the very same day I lost my memories.

I'm thinking about how I should greet Aubrey when she arrives. Hindi naman siya late, maaga lang ako. 10 am ang usapan namin pero 9:30 pa lang nandito na ako. Nasa loob ng Beanleaf cafe lang ako naghihintay sa pagdating niya. I get to decide to choose our meeting place, and I know that lately, dahil malapit lang ang library at nag-aaral ako ng masters ay naging suki na rin ako. Add on na lang ang free wifi dito.

Removing Her FacadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon