16

95 4 1
                                    



A distant memory



Malapit nang mag tanghali nung naisipan ni Jandrik na sumabay daw kami sa mga trabahante ng palayan nila. I was hesitant at first dahil bago lang ako dito sa lugar nila at nakakahiya kung manggugulo lang kami sa pananghalian nila. Pero nagpumilit ang lalaki dahil kakilala niya raw ang mga tao sa taniman ng kanilang palay.


Kaya heto ako ngayon, nakatayo sa bukana ng labasan ng kanilang kubo. Lahat sila ay napalingon sa gawi namin at para bang tumigil bigla ang kaninang masagana nilang kainan. Kung malakas ang boses nilang nagtatawanan sa loob ng kubo kanina, ngayon naman ay naging mas tahimik pa ito kaysa sa sementeryo.


Jandrik then cleared his throat. Basag niya sa nakakabinging katahimikan.


"Oh, apo bakit ka napadalaw dito?" tanong ng matandang babae sa lalaki na kasama ko. Nagtatakang tiningnan ng babae si Jandrik papunta sa akin. I smiled awkwardly at her and slightly bowed my head.


"Maaga ho kasi kaming naglibot kaya dito na namin naisipan tumambay para sa tanghalian. Ayos lang po ba?" Magalang na saad ng lalaki sa babae.


Agad naman na nag nagtaas-baba ng ulo ang mga kasamahan na para bang nakuha nila kung ano ang ibig ipahiwatig ng lalaki sa kanila.


"Dito kayo iho." turo ng isang manong sa gilid na naka-upo sa silya. Akmang tatayo na rin sana ang babaeng katabi ng manong nung inunahan siya ni Jandrik na magsalita.


"Diyan na lang po kayo ate Helen, siya na lang yung uupo." ani ng lalaki sabay turo sa gawi ko.


"Huh?" gulat kong ani sa kanya nong narinig ko yong huli niyang sinabi sa ale.


"K-kaya ko din naman na kumain ng nakatayo." pabulong na ani ko.


Nagkatinginan kami sandali ni Jandrik bago may sumingit at dinaan sa pagbibiro ang huling sinabi ko.


"Ikaw talaga sir, kaya naman pala ni maam na kumain habang nakatayo pina-upo mo pa." ani nito at bahagyang nagtawanan ang tao sa kubo.


"May jowa ka na ba iha?" tuksong tanong ng lalaki sa akin. Nakangiti naman ako tumango sa kaniya. "Sino ba? Si sir ba?" tanong ulit niya na nakapagtahimik sa ibang kasamahan.


Tumingin ako gawa ni Jandrik bago tumango sa sa tanong lalaki. Agad naman na naghiyawan ang mga tao sa kubo dahil don. Tinutukso pa nila ang lalaki dahil akala nila na idedeny ko siya.


Ginisang gulay, pritong isda at mais na kanin ang nakahanda sa dahon ng saging na inilatag nila sa mesa para gawin itong pinggan ng pagkain. Inabutan nila ako ng pinggan para magsimula na raw akong kumain.


Lumingon ako sa gawi niya at tanging pag tango lang ang ginawad niya pabalik sa akin. Agad din naman akong kumuha ng pagkain at nagsimula nang kumain. Kamay lang ang gamit nila kaya ganun din ang ginawa ko.

Removing Her FacadeWhere stories live. Discover now