14

121 5 2
                                    



Affirmation



Everything that I have remembered up until now was only remnants of the past that I have experienced. Kahit paunti-unti, alam kong bumabalik na sa akin ang mga ala-ala ng nakaraan na nakalimutan ko. My parents, my cousin which turned out to be my half sister and him, the one that I love.

I have realized that there is something wrong with how I think. I know because I used to be a psych major student. I once aimed to be a professional psychologist yet I turned out to be someone na nangangailangan ng tulong mula sa isang propesyonal.

I am aware that right now I am having hallucinations about someone that I am not familiar with.

Ang babae na nakikita ko tuwing naghahallucinate ay hindi ko kilala. Kahit na konting pagkakatanda sa kung sino siya ay wala akong mahanap. And yet there is this longingness towards that girl na nararamdaman ko sa tuwing makikita ko siyang na nasa ganoong posisyon.

An innocent face with dilated eyes, salivas are dripping. At mga luhang walang humpay sa pagpatak.

A familiar image yet it also feels so far.

May pagkakataon na normal lang ang takbo ang takbo ng pag-iisip ko at meron din mga panahon o oras na bigla-bigla lang magpapakita sa akin ang mga ganong pangyayari. Knowing the fact that I was once a psych major student helped me to know of what kind of situation I am currently in.

Nakakapanghinayang.

White and blue room, far opened windows and table. From what I have remembered, this is not the usual ward-rooms for mental patients. Sa tingin ko'y nasa bahay lang ako ng kung sino at dito ako piniling ikulong.

At walang ibang taong pumasok sa isipan ko na kayang gumawa nito kung hindi siya lang.



Jandrik.



Tatlong araw na ang nakalipas mula noong muli kong maalala ang pangalan at mukha ng taong minsan nang isinisigaw ng puso't isipan ko. At mula noon ay hindi ko na nakita siyang pumunta ulit dito sa kwarto ko para bumisita o mangamusta man lang.

Because as far as I can remember, I woke up inside the hospital and remembered nothing. I woke up not knowing him. And everything feels vague to me.

Tinuon ko ang buong atensyon ko sa tanging bintana na meron ang kwartong ito. Sakto at nakatutok ito sa harapan mismo ng kamang hinihigaan ko. Aren't they too careless about this? How can they be so sure na hindi tatakas o tatalon mula sa bintana ang pasyente nila?

They weren't thinking about the possibilities!

Kung titignan ang kulay ng kalangitan sa labas ay hindi mo maipagkakaila na tanghali pa. Mainit ang sinag ng araw pero kulay bughaw naman ang kulay ng kalangitan. Tanging ang ilaw lang na nagmumula sa labas ang nagbibigay kulay sa loob ng silid na ito.

Mula sa pagkakahiga ay iniba ko ang posisyon ko at dahan-dahan na gumalaw para umupo.

Nakatuon ang paningin ko sa labas ng bintana. Asul na kalangitan at kulay berde na halaman ang naaninag ko mula sa bintana. Napapangiti ako kapag may grupo ng ibon akong nakikita na dumadaan sa harapan ng bintana ng kwartong ito.

Isa.

Panimulang  bilang ko sa ibon na muling dumaan sa harapan ng bintana.

Habang nananatiling nakatuon ang paningin ko sa labas, naramdaman ko ang mainit na singaw ng hangin mula sa labas. Dahan-dahan ko itong nilanghap sa sistema ko at nilabas. Somehow this made me sleepy. Dahil sa sobrang tahimik ng paligid ay para bang nang-aakit ang kama ko na matulog akong muli.

Removing Her FacadeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz