7

13 0 0
                                    

Chapter 7
=======

"Gague, ang gwapo niya, Eli!"

"Oo nga! May mga kaibigan ba siya? Reto mo naman kami!"

"What a vege!" I shouted, I couldn't hold it in anymore. "You two kanina pa kayo panay hampas sa akin! It's so masakit!"

"Gaga, mas masakit 'yung ginawa sayo ni A. Walang-wala pa nga 'yun sa hampas namin," anas ni Sia. 

“True! Mas iniyakan mo pa nga ‘yun ng ilang months or umabot ba ng years?”

Ang sarap talaga sakalin nitong babaeng ito. Kanina pa niya binabanggit ang past ko. Sila yata ang hindi makapag-move on sa past ko. Sarap ilublob sa tubig para manahimik.

Palibhasa kasi wala akong mabato kaya wala akong maipanglaban. Kainis! Humanda talaga sila sa akin once na makahanap ako ng butas sa kanila. Hindi ko rin sila titigilan hangga’t hindi sila nagagalit sa akin.

"Isa pang mention mo about sa past ko at sasakalin na kita!" sigaw ko ulit pero tinawanan lang nila ako.

"Hala siya! Pikunin ka na, ah? Dati hindi ka naman ganyan. Nahulog ka lang sa M naging mainitin na ulo mo," natatawang sabi ni Callie.

Hindi na kami umalis sa mcdo simula ng nalaman nilang siya si Marvy. Lagi nilang napupuna ang kaibihan namin na talaga raw namang bagay na bagay daw sa akin si Marvy.

Inoobserbahan nila at hindi ko alam pero feeling ko nagpapapogi points ang animal kaya panay puri ang mga kaibigan ko. I don't know why Marvy is here. Does he have a job here? Part time ganun? Pero bakit?

Huwag niyang sabihin na binubuhay niya ang sarili niya at hindi umaasa sa magulang? Halata naman kasing mayaman siya kaya bakit? 

He also wants to be independent? Sabagay mas maganda ngang ganun. Magandang ideya ang ginawa niya. Para matututo siyang mamuhay ng mag-isa.

What if mag-work din ako? Kakayanin ko naman, 'di ba? Nakakayanan naman yata ni Marvy kaya kakayanin ko rin, ‘di ba? Nakakahiya na rin kasing umasa sa mga magulang. Kahit alam kong responsibilidad nilang tustusan ang pangangailangan ko.

"Mayaman ba siya?" tanong ni Callie. “Mukha siyang mayaman pero bakit nagwo-work pa siya? Or mukha lang siyang mayaman pero hindi talaga siya ganun?”

I shrugged. Malay ko ba. Hindi ko rin naman alam. Hindi naman kasi ako nag-a-ask ng questions about his life so I don't know.

Bukod sa name niya ay wala na akong alam bukod doon.

Napairap sila. "Bakit hindi mo knows?"

"Bakit hindi niyo kaya siya i-ask 'no? Tutal naman ay interesado kayo sa kanya, 'di ba? Eh, ‘di kayo ang magtanong. Panay tanong kayo sa akin, eh, hindi ko naman alam ang buhay ng taong 'yan." Naiinip na ako, 'tsaka sumasakit na ang pang-upo ko dahil kanina pa kami ditong nakaupo.

Wala na yata silang balak na umalis. Nakakahiya na nga dahil kanina pa kami pinagtitinginan ng ibang crew.

"Anong oras kaya ang tapos ng work niya?"

"Ask mo siya," naiinis na ako. Panay tanong nila. Hindi ko naman alam. "Let's get out of here. I'm bored."

Pinigilan akong tumayo ni Callie. "Mamaya na, panoorin mo muna bebe mo."

"Bwisit ka, Callie! He's not my bebe."

"Sige, asawa mo na lang. Ayaw mo ng bebe, eh."

Kung alam ko lang na magtatagal kami rito dapat pala hindi na lang ako pumayag na tumambay sa mall kasama sila. Ngayon lang kasi kami nagkaroon ng free time kaya umoo na rin ako. Na-miss ko rin kasi sila. Nami-miss ko mga kalokohan naming ginagawa kapag magkakasama kaming apat kaso busy si Larry. Bihira na rin iyon maglapag sa group chat namin.

Pareho naman, pero bakit?Where stories live. Discover now