2

154 1 0
                                    

Chapter 2
=======

"Oh, bakit gising ka pa hanggang ngayon? Gabing-gabi na, anak."

Napaangat ako ng tingin ng marinig ko si Mama. A few weeks have passed since I received an email from CAR university. Nakakaiyak! Nakapag-entrance exam na ako. Sa lahat ng sorry na nabasa ko at narinig ko. The most painful apology I received was from my favorite school.

Mas malala ang pagkawasak sa puso pero mas malala pa din ang ginawa niya. Until now ay naiiyak ako. One down na, may dalawang school pa naman akong gustong pasukin kaso ubos na ang slot ng nursing doon. What am I going to do? Naiiyak ako. Pakiramdam ko ayaw akong pagtapusin ng kapalaran ko.

Kung hindi lang talaga nangyari iyon sa akin ay hindi ako lilipat. Pero I don't want to see him anymore so I will do everything so that our paths don't cross. Never!

"Iniisip mo pa din ba ang email sayo?"

Muli na naman tumulo ang luha ko sa sinabi ni Mama. I just can't accept it. I know I'm weakest woman pagdating sa exams but why!? It hurts!

"Anak," niyakap ako ni Mama. "Okey lang iyan. Marami pa namang school d'yan ang tatanggap sayo at hindi lang 'yun. Try mo pa sa iba."

Mama wiped my tears. I hugged her too. Sa sala niya ako naabutan na umiiyak. Gabing-gabi na pero hindi ko makuhang matulog dahil sa rejection ng school. Si Larry nakapasa tapos ako hindi. Nakakahiya. Nahihiya ako at nasasaktan.

"Ma, nakakahiya," anas ko at nagsubsob sa leeg ni Mama habang naiiyak.

"Anong nakakahiya doon? Huwag kang mahiya, anak. Alam ko namang ginawa mo ang makakaya mo. Sadyang may pagkakataon lang talaga na hindi lahat ng tao ay kayang ipasa ang exam."

Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni Mama. Aware naman akong mahina ang utak ko pero determinado akong matututo kaso ang hirap lang talaga ng exam kaya siguro hindi ako nakapasa.

"May naisip ka na bang school na papasukan mo?"

Umiling ako. Sa tingin ko ayaw ko ng mag-apply sa ibang school. Nakakatakot makatanggap ng rejection.

"I don't want na, Ma."

"Anong ayaw ko na d'yan? Hindi porket nakatanggap ka ng rejection ay susuko ka na?"

Inalis ako ni Mama sa pagkakasubsob ko sa kanya. Mas lalo akong umiwas ng tingin dito dahil sa itsura ko. Nahihiya ako. Ang duwag ko.

"Anak, hindi porket nakatanggap ka ng rejection ay susuko ka na. Hindi pwede. Simula pa lang iyan. Wala ka pa ngang nasisimulan ay hihinto ka kaagad? Susuko ka na?"

Napanguso ako.

"Kung susuko ka, paano iyong pangarap ko? Paano iyong mga gusto mong gawin?"

"Kung susuko ka na kaagad sa papasukan mong bagong school. Eh, 'di bumalik ka na sa dati mong school at ituloy ang pag-e-engineer mo."

Pareho kaming napatingin ni Mama sa may bagong dating. Si Kuya iyon at halatang kakauwi lang galing sa duty niya. Halatang pagod din siya. Inirapan ko siya. Mang-aasar lang na naman siya.

"Shut up—"

"Eli!" Suway sa akin ni Mama kaya nakangisi si Kuya. "Masamang ganyanin ang nakakatanda sayo."

Pareho naman, pero bakit?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon