1

45 0 0
                                    

Chapter 1
=======
"Eliiiiii!"

Napabalikwas ako sa malakas na sigaw na iyon. Napabangon ako kaagad kaya biglang kumirot ang aking ulo. Vege! Ang sakit ng head ko. Pagkamulat ng mata ko ay si Mama kaagad ang nakita ko. Nagpupuyos sa galit ang kanyang itsura habang nakatingin sa akin. I sighed, my beautiful Mama will scold me ulit.

"Ano ba namang bata ka! Ang laki-laki mo na!"

"Ma, why are you sisigaw again?" tanong ko at napapaisip kung ano bang nagawa kong mali? Lutang pa ako dahil kakagising ko lang kaya wala akong maisip.

Wala naman akong maalalang maling ginawa ko. Anong mistake ba nagawa ko? Apart from drinking with my friends last night, I can't think of anything else. I lay down again because my head hurts. Kumikirot at pumipintig-pintig. Mukhang naparami ang nainom ko kagabi.

Hinayaan ko si Mama na sermunan ako habang nakapikit at balak ulit matulog. Sanay naman na ako. Sanay na akong mapagalitan. Sanay na akong masermunan. I'm used to being yelled at every day. As long as it's only Mama and Papa who yell at me, it's fine.

"Eli, ano ba?! Hindi ka ba babangon d'yan? Akala ko ba nagpapagising ka sa akin dahil may entrance exam pa kayo ng kaibigan mo sa Crestwood Agreste's Redcrest University?"

Entrance exam? Need ko pa ba iyon? Sinabi ko ba iyon? Wala akong maalala. Lasing nga talaga ako.

Napakamot ako sa ulo. "Maaga pa naman, Ma. Mamaya mo na po ako ulit gisingin— Ouch!"

I hadn't finished what I was going to say when Mama threw a pillow at me. Hindi naman siya masakit pero oa lang talaga ako.

"Anong maaga pa? Tignan mo ang orasan mo para malaman mo kung anong oras na!"

Inis akong tumingin sa orasan ko. But my annoyance immediately doubled because I saw on the clock that it was 12 PM in the afternoon! What a vege!

"Ma! Bakit ngayon mo lang ako ginising?" sigaw ko habang natataranta na kumuha ng damit sa closet ko.

Late na late na ako! Napasabunot ako ng makitang gusot-gusot pa ang dapat kong susuotin para sa pagpunta ng school. What a vege!

"Wow, kasalanan ko pa, anak?" Nakangiting anas ni Mama kaya napanguso ako.

"Ma, I'm soooooo very late na."

Napapikit ako. Late na ako. May maabutan pa ba ako nito? Magpapasa pa lang naman ako ng requirements. Hindi pa naman exam pero need ko na makapagpasa no'n bago mag-exam. Isa pa naman iyon sa mga requirements para makapasok ako doon.

Vege! Kapag talaga hindi ako nakapasok doon ay iiyak ako. Isa pa naman iyon sa mga gusto kong school na pasukan. Pangarap ko iyon na school.

"Oh, ano naman? Kasalanan mo na iyon at hindi ko na kasalanan."

Hayst! Yeah, this is my fault. Naiiyak ako. Sino ba kasi nagsabing mag-inom ako kagabi? Bobo ko! Busetttttt!

"Kanina ka pa namin ginigising pero panay sabi mo ay mamaya na mamaya na, kasi maaga pa. Oh, ngayon? Maaga pa, matulog ka muna," saad pa ni Mama habang inaayos ang gamit ko.

Napangiti ako. Kahit na nagagalit si Mama ay inaayos pa niya pa din ang mga gamit ko. Mahal na mahal niya ako. My best mother in my life! Forever!

Wala sa sariling niyakap ko si Mama patalikod. "Ma."

"Ano?" tanong ni Mama na pagalit kahit alam kong nakangiti na siya ngayon. "Ano na naman kailangan mo?"

"'Di ba, Ma. May kakilala si Papa doon? Baka naman pwedeng—"

"Shut up!"

Nakasimangot ako. "Ma, please?"

That school is really my dream and kapag hindi ako nakapasok doon ay I'm really going to cry. Sobra! Mas masakit pa iyon kaysa sa ginanun niya ako. Chariz!

Pareho naman, pero bakit?Where stories live. Discover now