CHAPTER 10

165 4 2
                                    

Nasa loob ako ng ICU at pinagmamasdan si Nahla na mahimbing na natutulog.

Kanina pa ako kinukulit ni Kris na umuwi para makapagpalit ng damit at kumain pero hindi ako pumayag.

Ayaw kong iwan si Nahla rito mag-isa. Ayaw kong maramdaman niyang wala siyang kasama at wala ang mommy niya sa tabi niya. Ayaw kong paggising niya ay hindi niya ako makikita. Ayaw ko na siyang hayaan ulit na mag-isa dahil baka may mangyari na namang hindi maganda sa kaniya.

Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama niya at hinawakan ang kamay niya gamit ang dalawa kong kamay.

"Sana pala inilaban pa kita sa korte, anak. Wala ka sana rito ngayon." I bursted into tears once again as I buried my face in her right hand.

"Mommy's sorry, baby. Hinding hindi na kita hahayaang mag-isa, dito lang si mommy." naramdaman ko na may humawak sa balikat ko kaya nag-angat ako ng tingin.

"Tita," isang magandang ngiti ang ibinigay sa akin ni tita Kath.

Mas bumuhos ang luha ko nang pinantayan niya ako at niyakap.

"You did well, anak." mahigpit ko siyang niyakap.

Umiyak ako sa balikat niya hanggang sa luha na ang mismong sumuko sa akin.

"Magpakatatag ka, sigurado akong ikaw ang pinanghahawakan ni Nahla ngayon. Tumahan ka na dahil kapag nagising si Nahla at naabutan kang umiiyak, malulungkot 'yan." pinunasan niya ang luha ko kaya tumango ako.

"Sinabi sa akin ni Kris na ayaw mo raw umuwi at kumain kaya pinakuha ko siya ng gamit mo at nagpaluto na rin ako ng pagkain kay manang, kaya kumain ka na." she caressed my hair.

"Thank you, tita." I smiled at her.

"Return my favor, take care of yourself." she smiled back at me.

"I will, tita." niyakap ko siyang muli.

Sabay kaming tumayo at lumabas ng ICU.

Doon lang din ako sa labas ng ICU kumain dahil may upuan naman doon. Kasama ko si tita Kath.

Nasabi na rin niya sa akin na umalis na lahat ng kasama namin ni Kris kanina dahil aasikasuhin pa nila ang nangyari kanina at ang maari pang mangyari. Si tito Zander naman ay may kausap na doctor sa manila para kung sakaling maaari na naming ilipat doon si Nahla ay maayos na ang tutuluyan niya.

Tapos na akong kumain at hinihintay na lang namin na dumating si Kris para makauwi na ang parents niya dahil may aasikasuhin pa rin daw sila.

Nakatayo ako sa labas ng ICU at pinagmamasdan si Nahla na para bang may mangyayaring masama sa kaniya kapag hindi inalis ko ang tingin ko sa kaniya.

Lumingon ako sa humawak sa braso ko. Nakatitig sa akin si Kris, napansin ko rin na bago na ang suot niyang damit.

"Did you eat?" hinalikan ako ni Kris sa noo pagkatapos niyang magtanong.

"Hmm," I looked behind him only to find out that his parents are gone.

"They went home." I looked back at him.

Hinaplos niya ang braso ko bago ilipat sa baywang ko ang kamay niya at iyon ang sunod na hinaplos.

"I brought you clothes, change into something comfortable first." tumango ako at kinuha ang bag na pinaglagyan niya ng gamit ko.

Pumunta ako sa VIP room na inokupa ni Kris para makaligo at makapagbihis na. 

Nang matapos ako sa pagbibihis ay agad akong bumalik sa ICU, nagtaka ako nang hindi ko makita doon si Kris, tanging si Alexis lang ang nandoon.

I'm Married To A Mafia Boss (SEASON 2)Where stories live. Discover now