CHAPTER 1

910 22 1
                                    

"Doc, pauwi ka na?" tanong ng isang nurse sa akin.

"Yes," nakangiting sagot ko sa kaniya.

Siya si Jella, ang pinaka-close ko sa mga nurse dito sa ospital na pinagtatrabahuhan ko.

"Ingat ka, doc!" masiglang usal niya kaya tinanguan ko siya bago sumakay sa elevator.

Habang nag da-drive ako papunta sa condo ko, nagulat ako nang biglang may nagkabungguan na kotse sa tapat ko.

Walang masyadong tao sa dinaanan ko dahil sa shortcut ako dumaan, para mas mabilis ang pag uwi ko.

Agad akong bumaba sa kotse ko at lumapit sa dalawang kotse na nagkabungguan.

Nagulat ako dahil lumabas ang nasa loob ng dalawang kotse.

Parehas silang may hawak na baril kaya kinabahan ako habang pinapanood silang magtutukan ng baril.

"Oh my God!" napatili ako dahil binaril nung lalaki yung lalaking nakatalikod sa akin.

Sabay silang napatingin sa akin kaya mas kumabog ang dibdib ko.

"What the hell. Leave this place, miss!" halos mapatulala ako sa lalaking lumingon sa akin.

Siya yung nakatalikod sa akin kanina. Ang gwapo niya.

Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at nagulat na lang ako dahil pinaputok nung isang lalaki sa direksyon ko ang baril na niya.

"Oh my God!" napatalon ako dahil tumama 'yon sa kotse ko.

Halos manginig ako sa takot at napatakip na lang ako sa tainga ko habang nakatingin sa mga lalaking nasa harap ko.

"Shit!" agad na lumapit sa akin yung lalaking nagsabi kanina na umalis ako.

"Are you alright?" tanong niya kaya dahan dahan akong tumango.

"Is that your girlfriend, Kris?" nakangising tanong nung lalaki sa lalaking lumapit sa akin.

"It's none of your business, Aguilar." sabi nung Kris.

"Stay here, don't come near them." bulong niya na tinanguan ko lang.

Hinarangan niya ako at sunod sunod na nagpaputok.

"Close your eyes." rinig kong sabi niya na agad ko ring sinunod.

Pagkalipas ng ilang minuto, tumigil ang putukan kaya dahan dahan kong minulat ang mata ko.

Napatingin ako sa paligid at nakita kong nakahandusay na sa sahig lahat ng lalaki kanina.

Nahihilo ako at nararamdaman kong matutumba ako.

"Miss!" rinig kong sigaw ng lalaki bago ako tuluyang matumba at mawalan ng malay.

"She's beautiful."

"Is she your girlfriend?"

"I haven't seen her before."

"What happened to her?"

"Wow, I didn't know you have a girlfriend."

"I want her to be my sister-in-law."

Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko. Nagmulat ako ng mata at nakita ang anim na babae na nasa kanan at kaliwa ko.

"She's awake!" sabi nung babaeng nasa bandang ulunan ko sa kanan.

"Give her some space, ladies." nabaling ang tingin ko sa isang lalaki.

Siya yung lalaki kanina.

Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama.

I'm Married To A Mafia Boss (SEASON 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant