CHAPTER 2

545 15 1
                                    

The celebration started 1 hour ago.

Nabuburyo na ako dahil kumakain lang naman, hindi ko alam kung birthday party ba talaga ito o burol.

Sumandal ako sa inuupuan ko at hindi ko inaasahang nandoon pala ang kamay ni Kris.

Uupo na sana ulit ako nang maayos pero hinawakan niya ang braso ko at bumulong, "Are you bored?" tumango naman ako.

"Yes, ano pa bang gagawin? Baka pwede na akong umuwi?" tinignan ko siya na tumitingin sa paligid.

Napansin kong natigil ang tingin ni Kris sa kaliwa ko kaya bumaling ako doon at nakita ang daddy niya na nakatingin rin sa kaniya.

Pinanood ko silang magtanguan at nagulat ako nang sabay silang sumigaw.

"Get down!" agad akong hinawakan ni Kris sa baywang at hinila payuko.

Katulad nang ginawa ng daddy niya sa mommy niya na nakahawak na ngayon sa braso ng asawa niya.

Sunod sunod kong narinig ang putukan kaya napatakip ako sa tainga ko habang nanginginig na pumikit.

"It's fine, I'm here." rinig kong sabi ni Kris kaya tinignan ko siya na nakatingin sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinatayo ako bago sunod sunod na bumaril.

Humawak ako nang mahigpit sa kaniya habang patuloy siya sa pakikipagbarilan.

"Love!" napatingin ako kila tita Kath nang marinig ko ang sigaw ni tito Zander.

Napagpasyahan kong tawagin na lang silang tita at tito, hindi naman nila malalaman.

Tito Zander pulled her waist and I was amazed by how tito Zander protects tita Kath.

Parang yung mga napapanood ko lang sa movie at nababasa sa mga libro.

Sana all.

"Love, focus!" napabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang sinabi ni tito Zander.

"I'm focused!" sabi naman ni tita Kath.

Masama ang titig nila sa isa't isa na para bang nagbabangayan rin ang mga mata nila.

"If you're focusing then why the hell didn't you notice that there's a bullet coming to you?" inis pero may pag-aalalang tanong ni tito Zander kay tita Kath.

"I'm sorry, okay?" sambit naman ni tita Kath bago lumayo ng bahagya kay tito Zander.

Hindi siya pinansin ni tito Zander kaya inirapan niya ito bago nila sabay barilin ang nasa likod ng isa't isa.

"Nice one, love." napaawang ang labi ko nang makitang nakangiti na si tito Zander kay tita Kath na nakabusangot pero napangiti rin dahil sa pagpuri ni tito Zander sa kaniya.

Ano 'yon? Akala ko naiinis sila sa isa't isa? Parang kanina lang ay nagbabatuhan sila ng mga salita. Niloko lang ba nila yung mga kalaban? Na kunwari nag-aaway sila para akalain ng kalaban na nadi-distract sila?

Wow. Just wow.

Napailing na lang ako at napatingin kay Kris na seryosong bumabaril.

Nanlaki ang mata ko nang mapansin ang isang lalaki sa gilid ni Kris at nakatutok dito ang baril niya kaya agad kong pinaharap si Kris sa kanan niya. Tumama sa dibdib ng lalaki yung bala.

"Why did you push me!?" iritadong tanong niya kaya tinaasan ko siya ng kilay, "You didn't notice." bago ituro yung lalaking nakahandusay na ngayon sa sahig.

"I noticed it." umirap naman ako, "I thought you didn't. Not my fault." hindi niya ako pinansin at napatili ako bago yumakap sa kaniya nang may barilin siya sa likod ko.

I'm Married To A Mafia Boss (SEASON 2)Where stories live. Discover now