Chapter 27

7 0 0
                                    

PIA

Nang humiwalay saakin si Moira ay sakto namang lumabas sina Mecy, Shan, at Kyla. Gulat na gulat sila sa nakikita pero unti unti ding namuo ang mga luha nila. Hindi pa nila alam ang totoo pero alan nila ang mga nangyayari.

Hindi ko alam kung paano kami napunta dito, basta ang alam ko ay nasa sala si Sheila, Añia, Samuel, at Karl. Habang ako ay nandito sa kwarto ni Moira, kasama sina Kyla, Shan, at Mecy. Alam na nila ang totoo, hindi din sila galit kay Moira, da katunayan ay naiintindihan nila. Kanina pa sila iyak ng iyak habang nakatingin kay Moira na nag iimpaki na ng gamit.

"Aalis kana talaga ate?" nauutal na tanong ni Shan.

Agad namang lumapit si Moira sakaniya, mapait itong ngumiti at hinaplos ang pisngi niya. Pinunas niya ang mga luhang tumutulo sa pisngi ni Shan, ganoon din ang ginawa niya kila Mecy at Kyla.

"Kailan ni ate, nakagawa siya ng kasalanan. Don't worry, hinding hindi ko kayo makakalimutan. At ipangako niyo saakin, na kapag balik ko," bahagya siyang napahinto at pinunasan ang luha niya.

"P-pag balik ko, gusto ko successful na kayo. 'Di ba ayon yung gusto natin? Para makapunta tayo sa maraming concert?" pag papagaan niya ng loob.

"Basta ate siguraduhin mo lang na pag successful na ako, nakabalik kana." si Kyla.

Tumango naman si Moira at niyakap ang tatlo. Sa totoo lang, hindi ko inaakala na mapupunta kami sa ganitong sitwasyon. I never imagine this to happen, hindi ko nga naisip 'to. Hindi pa nakakapag resign si Moira, pero balak niyang personal na pumunta sa office sa lunes para personal na makapag paalam pa sa iba.

Naka tayo lang ako dito sa tabi ng pinto habang tahimik na umiiyak habang pinapanood sila. Masyado na akong na attach kay Moira, halos tatlong taon na din kaming mag kaibigan.

Nang matapos siya ay lalo namang nag iyakan yung tatlo, kasi alam nila na once na matapos siya, ito na ang huli nilang pagkikita. Mahigpit nilang niyakap si Moira at matapos yun ay sabay sabay kaming lumabas.

Naabutan kong naka tulala lang si Sheila at nang makita niya ang dala ni Moira ay umiyak nanaman siya. Tumayo naman si Karl, si Karl kasi ang mag hahatid kay Moira sa bago niyang bahay. Pero syempre kasama ako.

Agad na nag yakap si Sheila at Moira, halos hindi na ko na makaya itong nangyayari. Akala ko ayos na, akala magpapatuloy lang yun. Dapat pala hindi ko na sila nakita, dapat hinayaan ko nalang na bumalik si Karl. Dapat hindi na ako nagpakita pa, hindi na sana nangyari pa 'to.

"Siguraduhin mong ninang ako ng triplets ah!" sabi ni Moira sa kabila ng mga hikbi nila.

Agad namang tumango si Sheila. Nag tagal ang pagyayakap nila hanggang sa tuluyan nang bumitaw si Moira. Parang tumigil sa pag ikot yung mundo nang hawakan na ni Moira yung maleta niya.

Wala na akong ibang maintindihan sa nangyayari, basta bumalik nalang ako sa wisyo nang huminto na ang sasakyan. Pag tingin ko sa labas, nandoon na, yung bahay na binili niya. Nandito na kami, aalis na siya.

Nang mababa kami ay muling bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko pala talaga kaya, kapag mahal mo talaga ang tao mahihirapan kang magpaalam. At ito ang pinaka kinatatakutan ko, ang mag mahal muli ng tao, dahil kapag oras na para mag paalam, nahihirapan at nasasaktan ako.

"P-pia, K-Karl....pasensya na sa m-mga nagawa ko. Tångína, napakasama ko. Sa lahat ng tulong na nagawa, niloko pa kita. Ang tånga tånga ko!"

Unexpected GraceWhere stories live. Discover now