Chapter 6

4 0 0
                                    


 PIA


Saktong 12 am ay naka rinig kami ng ingay galing sa labas, it's Christmas! Sabay sabay namin kaming sumagaw ng 'Mery Christmas' sa isa't isa at sabay ding nagsi tawa dahil nag mukha kaming ewan sa ginagawa namin. Sakto rin at nag ingay ang notification ng mga cellphone namin ni Sheila, sure akong sa gc namin yun.

"Mery Christmas po sa naka tira dito!" naka rinig kami ng isang malakas na pag bati sa labas ng bahay kaya naman agad kong tinignan kung sino iyon.

Nagulat pa ako dahil isa itong batang babae na naka suot ng pang Santa Clause na costume. Ang cute cute kaya naman agad kong nilapita iyong bata at dumukot ng Two Hundred sa wallwt ko. Nag pabarya narin kasi ako nung nakaraan pa dahil dati pa man ay laging may pumupuntang bata dito sa bahay para mamasko.

Nag pasalamat naman ang batang babae na hindi ko naman kilala, paalis na sana sya nang bigla ko ulit syang tinawag. Dahil medyo madilim ay hindi ko masyadong makita ang mukha nya kaya pinalapit ko pa sya sa may pinto. Para naman akong na startruck dahil sa itsura nya. Maputi ang balat at medyo mapula ang labi, pisngi, at ang kanyang ilong. Naka suot din sya boots at meron syang headband na katulad din ng suot nya ang design.

Medyo kulot din ang buhok nya na may pagka kulay tsokolate at hanggang baba ng dibdib nya. Meron syang hawak na maliit na bag na kulay pink at doon ipinasok ang perang ibinigay ko sakanya. Pagka yuko nya naman ay agad kong napansin na matangos pala ang ilong nya, meron din syang bracelet at necklace na parehas naka ukit doon ang pangalang 'Samantha'. Hindi ako sure pero siguro ayun ang pangalan nya.

"Hi Samantha, wala ka bang kasamang pumunta dito?" tanong ko sa bata, nakita ko naman kung paano napa kunot ang noo nya at luminga linga sa paligid kaya gaya nya, napa kunot din ang noo ko sa pag tataka.

"Ako po ba ang kausap nyo?" tanong nya gamit ang maliit nyang boses.

"Ah oo, bakit Samantha naman ang pangalan mo diba?" tanong ko rin sakanya.

Tumingin naman sya sa necklace at bracelet nya, hinimas nya pa ito ng ilang beses at bakas sa mukha nya ang biglang pagka lungkot. Nakita kong pilit syang napa ngiti doon, at dahil sa labis na kyuryusidad lumebel ako sakanya at hinimas din ang bracelet nya. Mag sasalita palang sana ako pero naunahan nya na ako.

"Mama ko po ang Samantha." panimula nya. "Sabi ng kuya ko six months palang daw po ako ng iwan kami ni Mama, hindi daw nya alam ang dahilan pero nangako si Mama saamin na babalikan nya kami kapag kaya na daw po nya." huminto sya ngumiti ng matamis saakin.

"Tapos bago po sya umalis binigay nya po itong pulsera at kwintas na ito po kaya kuya, ipasuot daw po saakin kapag malaki na ako. Si kuya Shanti meron din po nito." sabi nya at muling ngumiti. "Pero yung kanya po puro 'SCV' lang naka lagay."

"Totoo, e anong pangalan mo?" tanong ko.

"Samaree po, S-a-m-a-r-e-e po ang spelling." natawa naman ako nang i-spell nya pa ang pangalan nya saakin.

"Ang ganda naman ng pangalang 'Samaree', gusto mo bang kumain muna sa loob?" tanong ko sakanya, nakita kong lalong nabula ang pisngi nya kaya nag taka ako.

"Nakaka hiya po sa Mama at Papa mo."

Natahimik ako sa sinabi nya, bigla kong naalala sina Mommy at Dada nung sila pa. Kung paano kami mag celebrate ng pasko dati at ati narin ng New Year, naka couple shirt kami lagi kapag may ganong okasyon. Tuwing family day naman ay pare-parehas kami ng kulay ng mga damit. Nakaka lungkot lang dahil kahit na umiyak ako sa harap ng diyos hinding hindi na non maibabalik ang dating nasimulan.

Unexpected GraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon