Chapter 14

14 0 0
                                    

PIA

Pinakatitigan ko ang bata. Nakaka awa ang lagay nya, ang katawan nya ay sobrang nakakakot hawakan. Ulcer, ulcer ang sakit nya. Paano ba naman ay madalas daw na hindi pakain ni ate Kara dahil lagi daw sya wala sa bahay nila.

Ni hindi na nga ako nag abala pang tanungin ang pangalan nya, ng bata. Nakisuyo lang din saakin si dada na bantayan muna ang bata dahil kailangan nyang umuwi ng bahay nila. Hindi nya naman sinabi saakin ang dahilan pero simpleng tango lang ang sinagot ko sakanya.

Habang nakain ako ay may pumasok na nurse. Ngumiti sya saakin bago dirediretsong nilagay sa lamesa ang isang maliit na lagayan na hindi ko alam ang laman.

"Good day ma'am, maya maya po giginising na sya. Ito po ang pagkain nya at ito narin po ang gamot." naka ngiti nyang saad.

Tumango lang ako at nag pasalamat. Saktong paglabas ng nurse ay nakita kong bahagyamg gumalaw ang bata. Mabilis akong lumapit sakanya at tinignan sya. Mukhang nagulat pa sya saakin pero dahan dahan din naman syang umupo.

"Mag ingat ka." sabi ko at inalalayan sya.

"S-salamat po, p-pero sino po k-kayo?", hirap nyang saad.

Hindi ko sinagot ang tanong nya pero mabilis akong lumipat sa kabila par pakain at painumin sya ng gamot. Kailangan nyang kumain para kahit papaaano ay mas maging maayos sya.

Isang linggo rin syang ico-confine dito hanggang sa maging okay na sya. Nakaka awa naman syang tignan, sobrang payat parang isang hawak lang mapuputol na sya.

"Kumain ka muna para maka inom kana ng gamot mo." maliit akong ngumiti sakanya.

"Nasan po si mama, si papa-lo?" tanong nya saakin.

"Si dada umuwi, si mama mo pumasok." sagot ko sa tanong nya. "Sige na, kumain kana. Ako ang mag babantay sa'yo ngayon." dagdag ko.

"Opo," nag umpisa na rin syang kumain habang ako naman ay pinag patuloy ang pagkain ko.

"Ahm...ate, pwede po mag tanong?" tumango lang ako sakanya dahil puno pa ng pagkain ang bunganga ko.

"Ano po bang pangalan mo? at bakit po dada ang tawag mo kay papa-lo? Mukha ka rin pong mayaman, mayaman ka po ba?" sunod sunod nyang tanong.

Mahina akong natawa bago saglit na uminom ng tubig. "Ako, si tita Pia mo. At oo, tatay ko ang papa-lo mo. Atsaka hindi rin ako mayaman, nag tatrabaho ako kaya nagkakaroon ako ng pera." isa isa kong sagot sa mga tanong nya.

"Ah ganon po ba? Ngayon lang po kasi kita nakita, atsaka siguro ikaw po yung sinabi saakin ni mama na anak ni dada. Sabi nya po mayaman ka daw kaya ikaw daw po ang tutulong saakin. Thank you po, tita." mahaba nyang sabi.

Napatigil pa ako sa pagkain dahil sa mga sinabi nya. Saglit akong tumingin sakanya at ngumiti. Niligpit ko lang din ang pinagkainan ko bago lumapit sakanya dahil tapos rin syang kumain, pina inom ko lang din sya ng gamot nag pasalamat din sya at simpleng ngiti lang ang sinagot ko.

Mula nang magising sya ay puro sya salita. Ikinikwento nya ang school life nya, kasali sya sa feeding at doon lang din sya nakaka kain ng marami at masarap. Nag ke-kwentuhan lang kami hanggang sa hindi na namin napansin ang oras at sabay naman kaming napalingon sa taong pumasok.

Unexpected GraceWhere stories live. Discover now