Chapter 7

5 0 0
                                    


PIA

"Pia!" 

Bigla nalang akong bumalik sa wisyo nang marinig ko ang sigaw ni Sheila na nasa harap ko pala. Halos lahat sila naka tingin saakin at kahit si Kyla, kita sa mata nila ang pag aalala hindi ko naman alam kung bakit ganon sila maka tingin. Nang may naramdaman akong basang gumapang sa pisngi ko ay bigla ko nakang na-realize na umiiyak na pala ako kaka-isip kay Peter.

"Sorry, may naalala lang ako." sabi ko sabay punas sa luha sa mata ko.

"Okay ka lang ba Pia? Masyado na ba akong pogi para iyakan?" biglang nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng pandidiri nang sabihin ni Ivan yun.

"Adik kaba?" wala sa sariling tanong ko sakanya. 

"Baka ikaw, kanina kapa kasi naka titig saakin."

"May na alala nga lang ako, kulit." tumayo na ako at umakyat sa kwarto.

Tapos narin naman ako kumain kaya naisipan kong maligo nalang, ayoko rin naman kasing asar asarin lang nila ako doon sa baba dahil sa pag iyak ko, no actually naluha lang naman ako. Habang naliligo naman ako ay bigla ko nalang naalala si Peter, yung mga panahong hindi pa kami nag uusap, yung panahong nag add sya saakin sa facebook. Maaraming mga bagay na tungkol saamin ang alam na alam kong hanggang alaala nalang talaga.

Marami akong pinag sisisihan dahil may mga hindi pa ako nasasabi at napapa tunayan sakanya tulad ng pagpapakita kung gaano ko sya totoong mahal, minahal, at mamahalin pa. Gusto kong sabihin sakanyang mahal na mahal ko sya. Dati iniisip kong baka hindi ko kaya kung wala sya pero nung bago sya  mawala nung nag maka awa ako sakanyang lumaban sya kahit na sinabi nyang hindi nya na kaya.

+++++

"Please naman lumaban ka, Peter!" nag mamaka awang sigaw ko, kahit na sobrang sakit na ng lalamunan ko hindi ako tumitigil kaka sigaw. Sa pag mamaka awa.

"Pia, mahal ko.....hindi na kaya ng katawan k-ko." nahihirapang sagot ni Peter, sobrang putla na nya.

"Please naman hindi ko kasi kayang wala ka. Nawala na saakin si mommy at si dada, wag namang pati ikaw." hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya.

"H-hindi naman sila nawala sayo, wala man sila s-sa tabi mo nandyan naman sila sa p-puso mo. Nandoon karin sa puso nila, sa puso namin. Pinili ni tito yung bago nya pero hindi ka nya naisip i-give up, we will only lose physically, but in our hearts and minds, even in our souls, you are with us, always and forever."

+++++

Hindi ko namalayang natapos na pala akong maligo kaka isip, nakaka tawa lang dahil naligo akong may iniisip buti nalang hindi ko ginawang shampoo yung Zonrox dito. Tumingin ako sa salamin, lumaki akong kasama si mommy at dada, tumanda akong palagi silang nag aaway hanggang sa nagka hiwalay, nag aaral akong walang ibang naging inspirasyon kundi si mommy at si Peter, nakapag tapos akong kasama si Peter at tita dahil wala narin naman si mommy.

At ngayun namumuhay akong wala si mommy, si dada, si Peter, at si tita pero merong Kyla at kaibigan. Namumuhay ako ng kuntento na sa ganitong kalagayan, walang ibang iniisip kung hindi ang sarili at ang mga natitirang saakin. 

Bumaba narin ako dahil wala naman akong gagawin pa sa taas, naabutan ko nalang na may kanya kanyang ginagawa yung mga kasama ko sa bahay. Para kaming nasa maliit na mall, hindi naman siksikan pero kitang kita kung gaano kami karami. Nasa sala sina tatay Edgar, nanay Sali, at yung bunsong kapatid at pinsan ni tatay Edgar. 

Unexpected GraceWhere stories live. Discover now