Chapter 1

18 0 0
                                    


PIA


Tatlong buwan na simula nung maka labas ako ng hospital dahil sa sakit ko, hindi pa ako gumagaling pero pwede na akong maka labas dahil may gamot naman akong iniinom. Normal naman ang buhay ko, hindi man kasing gara ng dati atleast tahimik at ayos na ako kahit ako nalang mag isa. Tumira ako sa lugar kung saan malayo sa gulo, malayo sa ingay at sa madaming tao. Sa Village, yes. Sa pinaka dulong bahagi ng village kung saan mayroon abandonadong bahay na may kalakihan. Sa Village na to ay walang gaanong nakatira pero marami naman ang tao sa may unahan banda.  


Mas ginusto ko munang maging tahimik dahil feel ko mahihirapan pa akong maki halo bilo sa marami wala na akong kasama dahil ang mga magulang ko ay nasa probinsya kasama ng mga kapatid ko. Hindi na ako bumalik sa probinsya dahil in the first place hindi naman nila ako hinanap at wala silang pake saakin. Mas ookay na ako nalang mag isa hindi ko sila kailangan at nangako ako sa sarili kong hindi ko na sila kakailanganin pa. Hindi problema saakin ang pera dahil may sarili naman ako pera at ito yung matagal ko ng pinag ipunan dati pa, katulad ng dati nasa malaking bag ko paren naka tago ang mga pera ko. Medyo may kabigatan natin ito dahil nga halos walong taon na akong nag iipun dito. Oh mas madaling sabihin na mabigat na tagala ito.


Hindi ko alam kung mag kano ba ang total ng pera ko pero sure akong milyon narin ito, dahil puro isang libo at limang daan ang laman nito. Dito ako kumukuha ng pera pam bayad ng bahay na tinitirhan ko ngayun, dito ko rin kinuha ang mga ginagamit ko like what i wear right now. Napaka laking tulong saakin nitong naipun ko, pero alam ko namang hindi ko to magagamit habang buhay like now halos mag ka-kalahating milyon narin ata ang nabawas ko dito dahilo nga sa sakit ko. Kaya napag disisyunan kong mag hanap ng trabaho.


At dahil Bachelor's degree in English naman ang kinuha ko ay nag apply ako bilang isang proofreader. And thanks to god, natanggap naman ako ng walang kahirap hirap. This monday na ang umpisa ko sa trabaho kaya nag re-ready na ako, at dahil nasa manila naman ako keri naman ang sahod ko. 25 thousand plus per month. At dahil hindi naman kailangan ng magagarang damit ay bumili lang ako ng mag croptops na hindi ganoong ka ikli at mga jeans, mini skirt, polo at mga sandals na may kaonting takong. sorry na maliit lang


Pag uwi sa bahay ay pagod nanaman ako, humiga muna ako sa sofa at tumingin sa pinaka taas ng bahay ko. Maraming gamit ang bahay pero parang napaka boring tignan ewan ko ba baka dahil siguro ako lang mag isa dito? Pinilit kong i-alis sa isip ko ang iniisip ko kaya naman tumayo na ako para mag bihis at maka pag luto ng makakain ko.


Habang nakain ako ay bigla akong nakarinig ng ingay sa labas. May tao? anag dilim dilim na ah. Pero kahit ganon ay lumabas parin ako, may babae na sa tingin ko ay mas matanda saakin ng 10 years?


"Bakit po?" i asked her.

"ikaw ang naka tira dito?" 

"ah opo, bakit po?" May iniabot sya saaking sobre.

"Meralco iha, nakalimutan mo na ba? di'ba nga hindi nakakapunta dito ang nag hahatid nyan."

"aysh, oo nga pala. Salamat po."


Sinarado ko na ang gate at binuksan ang sobre. 540 sakto, ang gastos ko talaga e halos ako lang naman mag isa dito sa bahay. May mini fridge nga pala ako, electric fan lang din ang gamit ko, yung ilaw ko naman na malaki tuwing 6 am ko lang bubuksan tapos papatayin ko pag nag 8 am at bubuksan ko lang ulit pag nag 5 pm na atsaka bago matulog ay papatayin ulit. Yung ibang ilaw naman ay kung kailan ko lang talaga gagamitin saka ko lang bubuksan, like sa kwarto, dining, kitchen, at saka sa cr, Hindi ko naman kailangan mag bukas ng ilaw madalas dahil binubuksan ko naman yung pinto sa likod ng bahay kaya may pumapasok parin na liwanag. Yung panonood g tv at pag cha-charge naman ng cellphone at laptop ay minsan lang dahil minsan lang din ako gumamit. Pero keri lang dahil may trabaho narin naman at monthly rin ang sahod.


Unexpected GraceWhere stories live. Discover now