Chapter 12

5 0 0
                                    

PIA

Many days have passed, hindi ko napansin na tatlong buwan na pala ang nakalipas. Ang bilis ng panahon, April na naman. Parang noong nakaraan lang.

Kasalukuyan akong nasa mall kasama si Karl. Sabado ngayon, niyaya nya nanaman kasi akong lumabas para daw samahan sya. Kasama sana namin ngayon si Grace kaso sinama nila Sheila sa gala nila ni Samuel. Madalas akong ayain ni Karl na lumabas, ewan ko ba sa lalaking to napapadalas ang pag aya saakin. Buti hindi sya busy, kasi ako busy ako dahil sa ipapatayo naming business ni Sheila.

Napapansin din ng mga ka trabaho namin ang madalas na pag aya saakin ni Karl ng pag labas, kaya naman madalas tuksuhin si Karl na may gusto saakin. Hello! mas matanda ako ng dalawang taon kay Karl. Saka wala naman akong nilalagay na malisya sa mga kilos na ginagawa ni Karl, tulad nalang sa madalas nyang pag aya saakin lumabas. Pag libre nya saakin tuwing break time, lahat yon wala akong nakikita malisya. Madalas pa ngang sabihin saakin ni ate Ella tuwing inaasar nya kami ni Karl ay hindi naman daw halata na mas matanda ako kay Karl dahil mukha lang daw kaming magka edad.

Pero para saakin ay hindi! Hinding hindi ko ipagpapalit si Peter sa kahit na sinong lalaki. Kahit na anong magyari, si Peter at si Peter lang ang pipiliin at mamahalin ko. Dati, nangako kami sa isa't isa na kahit anong mangyari, kahit na magkalayo kami, at kahit na si kamatayan pa ang humarang o tumutol sa aming dalawa, ay hinding hindi kami bibitaw sa isa't isa. Kahit na hindi man kami sabay na mawala, ako parin ang pipiliin nya at sya parin ang pipiliin ko. Walang mag babago, period.

Alam nilang lahat yon, pero di ko alam kung bakit pinipilit parin nila. Pero dahil wala naman akong balak na pumatol sa biruan nila, ay nakikitawa nalang ako. Alam ko naman kasi ang lahat sa office, alam ko ang sikreto nilang lahat. Amoy na amoy naman namin na merong something kay Celestine at Ivan.

Paanong walang makakahalata e itong si Ivan kung maka dikit o maka tingin kay Celestine, at so Celestine? Ayon, pa hard to get. Nananahimik lang ako pero marami akong alam sa mga buhay nila. Kaya hindi talaga ako masyadong nagpapaka lasing kapag nag iinom kami dahil baka makapag salita rin ako ng pagsisisihan ko.

"Pia, kain kaya muna tayo? Gutom na gutom na ako." pagrereklamo nitong kasama ko.

"Tara, ikaw naman nag-aya sakin dito pumunta. tsk," pagsusungit ko sakanya.

Tumawa lang sya at inakbayan na ako papunta sa restaurant na pagkakainan namin. Wala iba kundi ang paborito namimg restaurant, MickyMeal o mas tinatawag nilang MM. Ito ay pagmamay ari ng asawa ng pinsan ni Olivia Charlotte Acozta-Dimson na si Mrs. Alison Adam-Francisco. May history daw talaga ang pangalan ng restaurant nila.

Bago daw kasi magpa tayo ng restaurant ang mag asawang Alison at Aiden, ang panganay nilang anak na si Arille Klye ay paborito na daw talaga nito ang Micky Mouse. Kaya ayon naging pangalan narin ng restaurant nila ngayon. Sa ngayon ay apat na sila sa pamilya dahil may bagong dumating sa biyaya sakanila, ang bunso nilang lalaking anak. Kilala ang mga Francisco dahil sa taglay nilang kabait, actually yung mga sumunod ng na Francisco. Mula kay Khim Francisco hangang kay Sania Francisco na pinaka bata sa mag pipinsan.

Sila ang mga sumunod na tagapag mana ng mga magulang nila at sila rin ang mas lalong magpasikat nito. Habang sa Acozta, walang maging balita dahil masyadong private ang buhay nila. Tanging si Edvino Acozta na tatay ni Olivia at si Lucio Acozta na lolo naman ni Olivia, silang dalawa lang ang nakilala sa publiko.

"Ang sarap talaga dito, kaso parang di mo na e-enjoy." napa lingon naman ako kay Karl nang mag salita sya.

"Huh?" nagtatakang tanong ko.

Unexpected GraceWhere stories live. Discover now