Chapter 3

6 0 0
                                    


PIA



Nagising ako dahil sa ingay ng boses ni mama, halata sa boses nya na galit na galit sya. Sigaw sya ng sigaw at alam kong nag aaway nanaman sila ni dada, naririnig ko rin na umiiyak si ate Kara at kuya Kurt. Mga di na nasanay sa ugali ng nanay nilang hindi normal jusko!


"mommy tama na po!" umiiyak na sabi ni ate Kara habang si mama naman ay nag hahagis ng bagay na akala mo ay sya ang bumili.

"hindi ako titigil hanggat hindi nag sasalita yang tatay nyo!" galit na galit na sabi nya.

"ano! bakit hindi ka makapag salita?!" sabi nya kay dada.


Napatingin sa akin si mama at dinuro ako, nang bitiwan sya ni ate Kara ay umakyat sya at hinablot ako. Ang sakit nung kuko nya bumabaon na sa balat ko. Huminto kami sa harap ni dada na namumula narin ang mata.


"oh ano?! sumagot ka! sinong mas mahal mo? itong babaeng to na anak mo sa walang kwentang babae o kami ni Kara at Kurt."  biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.


Sana piliin ako ni dada, sana ako ang piliin nya. Ako naman ang paborito nya e, ako naman yung naka sama nya ng matagal, close kami ni dada kesa kay kuya Kurt at ate Kara. Ako ang unang nabuhat nya nung bata dahil hindi nya naman naabutan nang manganak si mama kay kuya Kurt, ako yung anak nya, kahit hindi ako yung nauna ako parin yung mas matagal nyang nakasama. Produkto lang naman ng kasalanan yan si kuya Kurt kaya nung mabuntis ni dada si mama ay hindi nya ito pinanagutan samantalang ako nung ipag buntis ako ni mommy ay pinagutan nya naman si mommy kasi sabi nya 'mahal nya ako' na 'mahalaga ako sa buhay nya' dapat ako ang piliin nya dahil mas mahal ko sya kesa sa tatlong sampid lang sa buhay namin. Dapat ako ang piliin nya pero parang gumuho ang mundo ko nang biglang mag salita si dada at tuluyang tumulo ang luha.


"sorry....i'm sorry, Sopia anak." umiiling iling na sabi nya. Nakita kong napa ngiti si mama sa sinabi ni dada.

"dada ako dapat ang piliin mo! ako dapat!" tuluyan ng nalaglag ang mga luhang matagal kong inipon.

"dada mas mahal kita kesa sa kanila! ako ang anak mo dapat ako ang lagi mong ppipiliin! dada naman..." nanghihinag sabi ko.

"anak din ako ni daddy Sopia." lumapit si kuya Kurt saamin at masama ang tingin na iginawad saakin.

"hindi lang ikaw ang nagmamahal sakanya, hindi porket walang kang nanay ka-aawaan kana ni daddy, kami parin ang pamilya dito ikaw wala ka lang!" parang may sariling buhay ang kamay ko at sinuntok ko sya at biglang takbo.


Kahit tintawag ako ni mama ay hindi ako tumigil dahil alam kong magagalit lang sya dahil sa ginawa ko sa anak nya, si dada naman ay sinundan ako pero hindi ako nag patinag mabilis akong tumakbo papunta sa bahay ng tita ko, kapatid ni mommy. Dito alam kong may kakampi ako, dito alam kong may nag mamahal saakin, dito feel ko buhay parin si mama. 


Mabilis kong niligpit ang mga picture at nag balik na sa pag lilinis ng bahay, matapos mag linis ng mga kwarto sa taas ay sinunod ko naman ang sala dito sa taas. Nag walis lang ako doon at kinuha ang plastik na ang laman ay puro basura, pinapunta ko sa hagdan ang mga kalat na winalis at doon na tinulo tuloy hanggang sa maka rating sa baba. Nag linis din ako sa kwarto ni Sheila at pati narin sa kwarto sa harap nya kahit hindi naman yun nagagamit, mine maintain ko ang pag lilinis sa mga kwartong hindi nagagamit dahil baka mapuno ng saput pangit tignan. Sinilip ko si Sheila sa likod at nakita kong nag do-downy na sya ng mga damit namin. Halos mag da-dalawang oras narin kaming busy sa mga ginagawa kaya kahit medyo pagod ay walang hinto hinto kaming nag paka busy.

Unexpected GraceWhere stories live. Discover now