Bahgya syang yumukod upang magpantay ang aming mukha. "On my bed, now..." bumulong sya sa aking punong-tainga. "...pabebe ko..."

...

FEELING KO AY masisira ko na ang keypad nitong CP ko. Mariin ko kasi itong tinitipa at tatlong araw ko na itong ginagawa. Ito kasing si Pebebe ko ay hindi nagre-reply. Tinatawagan ko ngunit hindi rin sumasagot. Wala tuloy akong ibang gusto kundi ang sapakin itong babaeng katabi ko.

"You know what, Ruby. You look so... so..." napahinto ito. "...blah! blah! blah!"

Whatever, Chie-chie.

Nandito kami ngayon sa university at katatapos lang magpasa ng thesis. Thesis na hindi ko alam kung paano ko nagawa habang lutang.

"What you call that?" Napapapitik sa hangin si Chiechie. Katabi ko sya sa bench. Uwian ko na pero sya, vacant lang nya. Dito kami nagkikita palagi kapag wala kaming klase. Dito sa bench kung saan libangan naming pagchismisan ang mga dumaraan.

"What you call that?" napapapitik pa sya sa hangin.

"Pathetic?"

"That's it! Pero may mas maganda pang term."

"Miserable?"

"Konti pa."

"Ridiculous?"

"Lapit na."

Umikot ang bilog ng mga mata ko. "Brilliant?"

"Nadale mo!"

Seriously, masasapak ko na talaga sya.

"You are brilliant dahil napapaniwala mo ako na may bago kang BF."

Iyon pala ang pinupunto nya. Hindi kasi talaga sya naniniwalang may bago na akong BF. Kilala nya kasi ako na hanggang harot lang sa bibig pero hindi talaga madikit sa mga lalaki. Iyon ngang si Ariel ay pikit-mata ko lang na sinagot. Akala tuloy ni Chie-chie, in love talaga ako kay Ariel.

Humawak sya sa aking kamay. "Listen to me, BFFAEA. Hindi mo kailangang magpanggap na may bago ka na kung nasasaktan ka pa rin sa paghihiwalay nyo ni Ariel."

Ano raw?

BFFAEA means Best Friend Forever And Ever Amen.

"I'm here. Handa akong makinig sayo."

I took a deep breath bago ko hinugot sa aking bag ang picture ni Lord K at Erika. Pagkuwan ay ipinakita ko ito sa kanya. "Believe it or not, totoo ang sinasabi ko."

Namilog ang mga mata nya habang nakatitig dito. "Kill... me... now..." Nasa tinig nya ang pagkamangha. Though hindi nya gaanong nakikita ang mukha ni Lord K dahil naka-shades ito ng itim ay masisinag pa rin sa kanyang kilos ang kilig. "Ikaw ito?" ang tinutukoy nya panigurado ay si Erika. "Kailan pa naging asul ang mga mata mo?"

Hinablot ko sa kanya ang picture. "Lenses."

Nakakunot ang kanyang noo habang pinakatitigan nya ako. "Parang ang ganda mo dyan sa picture. In-adobe ba yan?"

Rom was right. Mukhang may pagkakahawig nga talaga kami ni Erika.

"Saan ka pupunta, BFFAEA?" tanong sa akin ni Chie-chie nang tumayo ako.

I smiled at her. "Sa bagong BF ko." Pagkasabi ay naglakad na ako palayo sa kanya. Hanggang sa makalabas ako ng gate ng university ay lumilipad ang isip ko. Tila ba kasi may namumuong pag-aagam-agam sa isipan ko.

Gusto lang ba ako ni Lord K dahil kamukha ko si Erika? O gusto nya ako dahil nakikita nya sa akin si Erika?

Parang parehas lang iyong tanong ko, ah.

May mga unipormadong lalaki ang pumalibot sa akin. Siguradong tauhan ito ni Pabebe ko.

Nagkusa na akong pumasok sa kotseng malapit sa amin. Pinaandar ng driver ang sasakyan at umabot ng kalahating oras bago namin marating ang isang hotel na hindi pamilyar sa akin. Pagsakay ko ng elevator sa loob ng gusali ay dinaluhan pa ako ng ilan pang naka-suit na mga lalaki. Nang marating namin ang gitnang floor ay isang babaeng amerikana ang dumulog sa akin upang ihatid ako papasok sa isang salaming pinto.

Pagpasok ko rito ay isang lalaki ang nakatalikod at nakatanaw mula sa malawak na bintana. He's wearing a black coat and holding a rod.

"Leave us." Utos nito sa babae nang hindi kami nililingon.

Napaatras ako nang humarap sya sa akin. I shivered nang masalo ko ang banyaga nyang mga mata. Nasa 6 feet yata ang taas at mala-George Clooney ang age at aura. 

Sino sya?

"Have a seat, Ms. Castillo." Umupo sya sa harapan ng executive desk.

Kilala nya ako?

I sat on a chair na kaharap ng may edad na lalaki. His blue eyes were the same as Lord K's. Malamig at walang emosyon.

May hawak syang papeles at ilang folder na nakapatong sa kanyang table. "You want a drink?"

Umiling ako. "M-mawalang galang na po." Kandautal ako. "Who you, po?"

His calm face turned on me at pinagsalikop nya ang kanyang mga daliri. Nahiya naman ako sa maganda nyang kilay na wala ako. Kahit kita na sa hitsura nya na ma-edad na sya ay mababakas pa rin ang kanyang kagandahang lalaki noong araw. At anong sinabi ng suklay na ginamit nya kaya suwabe ang hinas nyang buhok at pantay ang linya.

"My name is Ybara." He took a bottle of wine sa di kalayuan at saka sinalinan ang isang kopita. "And your boyfriend..." sumimsim sya rito. "...is my son..."

Nanlaki ang mga mata. "M-magandang araw po..."

Naman! Bakit hindi nya agad sinabi? Eh, di sana ay pinuri ko ang kilay nya.

Bumuga sya ng hangin. Humugot sya ng larawan na mula sa folder at inilahad nya sa akin iyon. "I want you to do something for me, Ms. Castillo."

I swallowed nang makita ko ang picture ni Ate Rosenda na inilapag nya malapit sa akin.

"I want you to stay away from my son..."

Napatigagal ako sa sinabi nya.

Muli syang sumimsim sa kanyang kopita. "Or else, I will kill her..." pagkatapos ay sinakop ako nang malalamig nyang mga mata. "You choose..."

JAMILLEFUMAH

@JFstories

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon