Special Chapter 2

18.2K 936 231
                                    

Matias POV

6 years later..

"5 LITTLE monkey humpty dumty .. Mama call the doctor and the doctor said.. Abilang ko tatlo.. Atago na kayo.. Kayo po uupo tubukan nyong atatayo.. I wanna be a tutubi a twinkle star.. Haw haw the carabao the batuten.. Meow Meow! Aw Aw!"

Sinulyapan ko ang kambal namin ni Ava na si Ariella at Arianna sa backseat na malakas na kumakanta sa matinis nilang boses. Tatlong taon na sila at sobrang daldal at kulit. Kung ano ang ikinatahimik ng panganay naming si Mathaios ay sya namang kabaliktaran ng kambal na carbon copy ni Ava.

"Argh daddy! They are so noisy. Shut them up please. My ears is hurting." Reklamo ni Mathios na tinakpan pa ang tenga.

Pero ang kambal sa backseat ay lalo pang nilakasan ang mga boses at tumitili pa. Napapapikit na lang ako.

"Hayaan mo na sila kuya. Nagkakasiyahan lang ang mga kapatid mo."

Sumimangot si Mathaios. "Ang sakit sa ears ng mga voice nila daddy. Mali mali pa lyrics ng kinakanta nila. Hindi naman po ganun yung lyrics nun eh." Reklamo pa nya.

Napangisi na lang ako napailing iling. Muli kong sinulyapan ang kambal sa backseat. Iba naman ngayon ang kinakanta nila na hindi pamilyar sa akin. Malamang si Ava ang nagturo sa kanila.

"Daddy next time huwag mo na po silang isama sa pagsundo sa akin sa school." Nakangusong request pa ni Mathaios. Maraming nagsasabi na kamukha ko sya. Nakikita ko rin naman ang mukha ko sa kanya noong paslit pa ako. Pero kapag ngumunguso sya nagiging Ava din ang mukha nya.

"Mathaios be nice to your sisters. Kuya ka di ba?" Malumanay kong paalala.

"I'm always nice to them daddy. Ang sakit lang po sa tenga kapag kumakanta sila. Parang may sunog."

Natawa ako sa sinabi ng panganay ko. Nakuha din nya kay Ava ang pigiging savage. Tinaas ko ang kamay at ginulo ang kanyang buhok.

"Let them Maty boy, mapapagod din sila."

Kilala ko ang kambal. Mamaya ay mapapagod din sila at mananahimik ng ilang sandali at muling mag iingay.

"Daddy let's go to Jabili." Mayamaya ay ungot na na ni Arianna.

"No! I want Wakdonald!" Salungat na protesta naman ni Ariella.

"It's Jollibee and McDonalds. Not Jabili and Wakdonald." Pagtatama ni Mathaios sa kambal.

"E di waw!" Sambit ni Arianna.

"Ikaw na galing!" Dugtong pa ni Ariella.

"Oh gosh! I'm having a headache na daddy." Umikot ang mata ni Mathaios at sinapo ang ulo.

Bigla naman akong naawa sa panganay ko. Six years old pa lang sya pero mukhang maaga syang mai-stress sa mga kapatid nya.

"Girls.. don't talk to your kuya like that ok. Say sorry." Mahinahon kong kausap sa kambal.

"Sorry Kuya MatMat. Labyu!" Sabay na sabi naman ng kambal na nagflying kiss pa.

"Daddy, Jabili po tayo." Di pa rin nakakalimutang ungot ni Arianna na nanghahaba pa ang maliit na nguso.

"I want Wakdonald daddy." Ungot din ni Ariella na nanghahaba din ang nguso.

Kapag ganyang mga nakanguso ang kambal ay si Ava ang nakikita ko lalo na noong paslit pa si Ava na kasingkulit din nila. Pakiramdam ko nga nadagdagan ako ng dalawang Ava.

"Girls, kaka-fastfood lang natin yesterday di ba? Ang usapan once a week a lang. So next week pa tayo magfa-fast food."

Lalong nanghaba ang nguso ng kambal. Kung kasama namin si Ava malamang tatlo silang umuungot ngayon ng fastfood.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon