Chapter 26

20.8K 692 155
                                    

Ava POV

TUMILI si mommy matapos kong sabihin sa kanya na kami na ni Kuya Matias -- este Matias. Hindi ko na sya pwedeng tawaging kuya dahil kami na at mahigpit na nyang pinagbabawal yun. Tawagin ko na daw sya sa kahit na anong pangalan huwag lang daw kuya kundi paparusahan daw nya ako. Curious tuloy ako kung ano ang parusa na ibibigay nya sa akin kapag tinawag ko uli syang kuya.

"So paano naging kayo ni Mat, anak? Aba, nagdate lang kayo kahapon kayo na agad!" Bulalas ni mommy na nasa akin na ang atensyon. Kinalimutan na ang pakikipag chat sa kumare nya.

Nanghaba ang nguso ko at kinamot ko ang leeg. "Kiniss nya po ako mommy.."

Napasinghap si mommy at namilog pa ang mata. "Kiniss ka nya? Saan ka nya kiniss?"

"Syempre sa lips mommy."

Tumaas ang kilay nya. "Sa lips lang?" Parang disappointed pa nyang sabi.

"Opo, saan pa po ba?"

"Aba! Marami pang pwedeng i-kiss maliban sa lips."

Nag init ang pisngi ko ng magets ang ibig sabihin ni mommy. Anak ng! Anak nga nya talaga ako.

"So ano pa anak? Bukod sa kiss, wala na?"

Nanghaba ang nguso ko. "Wala na mommy."

Dahil nagkiss na nga kami kahapon ni Matias ay sinagot ko na sya. Wala ng dahilan para magpabebe pa ako.

"Ihh! May first kiss na ang baby girl ko. I'm so happy for you anak!" Ani mommy na nangingisay pa sa kilig.

Kung ibang nanay siguro baka pinagkukurot na ako. Pero iba si mommy, happy sya na may first kiss na ako at mukhang mas kinikilig pa sya kesa sa akin.

"Kamusta naman ang first kiss anak? Masarap bang humalik si Mat?" Kinikilig pang tanong ni mommy.

"M-Mommy! Pati ba naman yan kailangan nyong malaman?"

"Syempre naman! Dali! Kwento ka na!"

Lalong nanghaba ang nguso ko. Nag aalangan akong magkwento kay mommy pero di naman nya ako tatantanan. Siguradong susundan nya ako hanggang kwarto para magkwento ako.

"Wala pa akong karanasan sa halik mommy kaya di ko alam kung masarap syang humalik. Saka wala namang lasa ang halik. Mainit lang.."

"Ganun talaga. Pero I'm sure hindi bad breath si Matias."

"Hindi no mommy! Mas mabango pa nga yata ang hininga nya sa akin."

"O tapos? Ano pa?"

"Yun nga mommy.. grabe syang humalik. Halos di ako makahinga. Parang hinihigop nya ang lahat ng hangin sa katawan ko." Nag init ang pisngi ko ng maalala ang mainit na halikan naman ni Matias kahapon. Nag-jelly nga ang tuhod ko eh.

Namilog ang mata ni mommy at napatuptop ng bibig. "Omg! Magaling humigop si Matias!"

"P-Parang ganun na nga mommy."

"Ihh! Naalala ko bigla ang daddy mo anak noong nabubuhay pa. Noong mag boyfriend at girlfriend pa lang kami. Magaling ding humalik ang daddy mo talagang naghahabol ako ng hininga. Magaling din syang sumisid."

"Mommy!" Naeeskandalong bulalas ko.

Pero si mommy ay humagikgik lang. "I'm sure magaling ding sumisid si Matias."

Tila sinilaban na ng apoy ang mukha ko sa sinabi ni mommy. Pero magaling kayang sumisid si Matias? Malalaman ko yan kapag sinisid na nya ako.

Parang gusto kong kurutin ang sarili dahil sa pumasok sa isip. Naeeskandalo ako sa mga pinagsasabi ni mommy. Pero ganun din ang laman ng utak ko. Magnanay nga kami. Sabi nga ng mga kumare nya di na namin kailangan ng DNA mag ina.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon