Chapter 33

21K 807 104
                                    

Warning 🔞

Ava POV

MATIIM akong nakatingin kay Matias habang hinihintay ko ang sagot nya. Pagkatapos naming mag usap ni Ervin sa mall ay dito na ako dumiretso sa office nya. Tinawagan ko na lang si Jolene at nagpaalam para hindi na nila ako hintayin.

Gusto kong malaman kung bakit yun ginawa ni Matias. Anong dahilan nya? Alam kong istrikto syang tao at seryoso lagi sa buhay. Pero hindi ko inisip na magagawa nyang magbanta, manakot sa isang tao.

"Is it true?"

Nag iwas sya ng tingin at bumuntong hininga saka tumayo.

Bumagsak ang balikat ko. So totoo nga. I'm so disappointed. Pero gusto kong malaman ang dahilan nya baka mali lang ako ng pagkakaintindi.

"Yeah it's true.. pinagbantaan ko sya." Sambit nya.

Umikot ang mata ko. "Kaya naman pala di na sya bumalik sa bahay at hindi na nagrereply sa mga chat ko."

Kunot noong bumaling sya sa akin. "Chinachat mo pa rin sya?" May tono ng pagkadisgusto ang boses nya.

"Oo. Noong hindi pa kita sinasagot. Isa pa bukod sa manliligaw ay kaibigan ko rin sya. So why did you do that nga? Ganun ka na ba kapatay na patay sa akin?"

"Yes." Diretsahan nyang sagot.

Saglit naman akong natigilan kasabay ng pagkislot ng aking puso. Natunaw na rin ang inis na nararamdaman ko sa kanya.

'Hindi! Mali Ava. Huwag kang marupok. Hindi maganda ang ginawa ng nobyo mong nuknukan ng gwapo, macho at masarap. Dapat mo syang pagsabihan.'

Nag taas noo ako at tumayo. Humakbang ako palapit sa kanya at humalukipkip. Tinarayan ko ang bukas ng mukha.

"Pero mali ang ginawa mo Matias. Dapat matuto kang lumaban ng patas. Hindi yung magbabanta ka."

Tumingin sya sa akin. "Ano pang sabi nya sayo?"

Tumaas ang kilay ko. "Yun nga.. pinagbantaan mo raw sya. Sisirain mo raw ang career nya kapag hindi nya ako nilayuan. You're so mean.." Inikutan ko sya ng mata sabay nguso.

"Mean na kung mean. Ganun talaga sa isang competition. Kailangan mong hanapin ang kahinaan ng kalaban mo para matalo sya."

"Pero hindi pa rin kasi tama ang ginawa mo habibi -- Matias." Kunwaring nagsusungit na sabi ko.

Pero tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Yun lang ba ang sinabi nya sayo?"

"Oo. Bakit may iba ka pa bang ginawa?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Yes."

Suminghap ako at namilog ang mata. "Ano? Di mo naman sya binugbog di ba?"

"Of course not. Kung binugbog ko sya eh di hanggang ngayon hindi pa rin sya nakakalakad."

Ngumuso ako. Yabang ni habibi. Kunsabagay sa laki ng katawan nya posible talaga yun. Pero ang importante hindi nya sinaktan si Ervin dahil kawawa naman yung tao.

"Eh ano pang ibang ginawa mo?"

Bumuntong hininga sya at naging seryoso muli ang bukas ng mukha. "Pinaimbestigahan ko sya. Gusto kong malaman kung talagang seryoso sya sayo." Saglit syang di nagsalita.

"And?"

"Seyoso nga sya na maging kayo para mapagtakpan nya ang tunay nyang pagkatao."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"He is gay Ava. May boyfriend sya at sinisekreto nya yun sa lahat lalo na sa pamilya nya. At para pagtakpan ang tunay na pagkatao nya niligawan ka nya para maging girlfriend. Ng sa ganun walang maghinala sa pagkatao nya."

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon