Chapter 5

20.7K 675 35
                                    

Matias POV

"SIR Maalik please! Give me a chance!"

Paglabas ko ng elevator sa basement parking ay sumalubong sa akin ang isa sa engineer ko o mas tamang sabihin na dating engineer dahil tinanggal ko na sya sa kumpanya ko. Mukhang kanina pa nya ako inaabangan.

"I'm sorry Engineer Soriano but my decision is final. Mag apply na lang kayo sa ibang kumpanya. Siguradong marami naman ang kukuha sa inyo." Malamig na sabi ko sa may edad na engineer.

"Pero dito ko lang gusto sa Santiago Estate Development, Sir Maalik. Please, just give me one more chance. I have been an engineer here for two decades. Isa ako sa engineer na pinagkakatiwalaan ng mama mo noong nabubuhay pa sya." Pakiusap pa ng engineer. Pero may tono ng panunumbat ang kanyang pagsasalita na lalong di ko nagustuhan.

Sinuksok ko ang isang kamay sa bulsa ng itim kong slacks at hinarap ang engineer.

"Kung nabubuhay lang si mama, masasabi pa kaya nya na mapagkakatiwalaan ka engineer?" Sarkastikong sabi ko.

Akmang magsasalita sya pero inunahan ko na sya.

"Ilang taon mo ng pinagnanakawan ang kumpanya ng mga materyales? Simula pa ba noong si mama pa lang ang ceo o noong ako na ang nakaupo?"

Hindi na agad nakaimik ang engineer at napalunok. Namutla pa sya at biglang pinagpawisan. Nag iwas sya ng tingin at kinumpas ang isang kamay.

"S-Sir Maalik, believe me. Walang katotohanan ang mga bintang nila. Y-Yung mga evidence kuno nila na pinakita sa inyo kanina, i-it's all fake! Fabricated! Gusto lang nila akong siraan sa inyo dahil naiinggit sila sa akin lalo na ang mga baguhang engineers -- "

"Enough!" Asik ko. Hindi ko na kayang marinig ang lahat ng kasinungalingan nya. Masakit sa tenga. Halata namang gusto nya lang lumusot at di sya makakalusot sa akin.

Natigilan ang engineer at gumuhit ang pangingilag sa kanyang mukha.

"Sir Maalik -- "

Tinaas ko ang kamay para patigilan sya sa pagsasalita. "Huwag mo ng ipilit ang gusto mo Engineer Soriano. Baka mapilitan din akong gumawa ng aksyon na hindi mo magugustuhan. Sa ginawa mo pwedeng pwede kitang kasuhan at ipakulong. Pero dahil matagal ka na sa kumpanya at sabi mo nga ay isa ka sa engineer na pinagkakatiwalaan ni mama, palalampasin kita pero hindi ka na pwede sa kumpanya ko. Maghanap ka na lang ng ibang kumpanyang mapapasukan." Pinal na sabi ko at tumalikod na. Sumakay na ako sa aking kotse at nilapag ang briefcase sa shotgun seat pati na ang coat. Tinanggal ko ang necktie at pinatong sa coat. Tinanggal ko rin ang cufflinks at tinupi ang manggas ng polo ko hanggang siko.

Tiningnan ko ang engineer sa rearview mirror na nasa likuran ng aking kotse. Bagsak ang kanyang balikat at para syang nalugi.

Talagang babagsak na ang career nya bilang isa sa kinikilalang magaling na engineer ngayong tinanggal ko na sya sa kumpanya. Ipapakulong ko rin sya pero di muna ngayon dahil may kailangan pa ako sa kanya.

Kinabit ko na ang seatbelt at binuhay ang makina. Pinasibad ko na ang kotse palabas ng basement parking. Sumaludo pa sa akin ang apat na security na nakatalaga doon.

.

.

Ava POV

"HOY miss! Hindi porket maganda ka di kita papatulan kaya huwag kang makikialam!"

"Ay!" Napatili ako ng ihampas ng lalaki ang hawak nyang dos por dos sa poste. Halatang may tama sya ng alak dahil namumula ang kanyang mukha at umaalingasaw din ang amoy ng alak.

Lalo namang nagsumiksik sa akin ang tutang yakap ko na nanginginig sa takot sa amo nyang nag aamok na ng away.

Pauwi na ako galing sa Pet Haven at napadaan ako sa lugar na ito na squatter area dahil nag- shortcut ako. Aksidenteng nakita ko ang lalaki na bitbit sa leeg ang tuta at may hawak pa syang dos por dos. Kinutuban na ako kung ano ang balak nyang gawin sa tuta kaya di ako nag-atubiling lumabas at komprontahin sya. Tama nga ang hinala ko. Balak nyang hampasin ng dos por dos ang tuta hanggang sa mamatay dahil perwisyo daw ito dahil dumi ng dumi sa loob ng bahay nila. Nag iiyak naman ang anak nyang paslit na mukhang sya ang may ari ng tuta.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon