Chapter 15

18.8K 565 26
                                    

Ava POV

MAY magandang dulot ang pagdala ko kay Kuya Matias sa shelter dahil sya ang bago naming sponsor. Ipapagawa nya ang harapan ng shelter. Yung may reception, waiting room at lobby kung saan pupwestuhan ng mga bisita para hindi agad ang mga rescue dogs namin ang bubungad sa kanila. Patataasan din nya ang pader sa paligid ng shelter at palalagyan din nya ng security cameras. Sobrang laking tulong ang binigay nya at tuwang tuwa kami ng mga kasamahan ko. Mamaya ay may darating na engineer galing sa kumpanya niya para tingnan itong shelter.

"Ang swerte natin sa bago nating sponsor no. Bigtime!" Ani Lionel ang aming volunteer veterinarian.

Nandito kami sa aming munting opisina at nagmemeryenda habang hinihintay ang engineer.

"Sinabi mo pa! Siguradong malaki ang magiging pagbabago ng shelter natin at excited na ako." Segunda pa ni Melby.

"At hindi lang yun, super gwapo at super yummy din ng bago nating sponsor kahit may pagkasuplado." Kinikilig na sabi pa ni Kiray.

"At luluhuran!" Segunda pa ni Rolee at dalawa na sila ni Kiray na nagkikisay sa kilig.

Ang sarap nilang sabunutan na dalawa. Pagdating talaga sa kalanturan magkasundong magkasundo sila. Halos lamutakin na nga nila si Kuya Matias noong nakaraang araw ng sinama ko ito rito. Kung di lang naiirata na si Pochi at muntik na silang sakmalin ay di pa sila titigil.

"At pasalamat tayo kay Ava dahil sa kanya kaya may sponsor tayong big time." Hayag ni Kuya Janjan na syang pinaka matanda sa amin.

"Wala yun Kuta Jan, para sa mga rescues natin lahat ng kaya kong gawin gagawin ko." Hayag ko rin.

"Kaya bagay talaga sayo na ikaw ang president namin."

"Sya naman talaga ang president at ceo dahil sya ang founder at nagpatayo nitong shelter."

Ngumiti ako sa mga kasamahan at kaibigan. "Ako man ang founder at nagpatayo nitong shelter pero para sa ating lahat ito. Isang pamilya tayo rito at ang mga rescues natin. Syempre nagpapasalamat din ako sa inyo dahil sinamahan nyo kong mabuo itong shelter."

"Kami nga ang dapat magpasalamat sayo Ava. Malaking tulong at opportunity ang binigay mo sa amin. Di ba guys?" Wika ni Melby.

Sumang ayon naman silang lahat. Tinaas namin ang mga baso naming may lamang coke at nagcheers kami.

Lahat kasi sila ay galing sa wala at may kanya kanyang issue sa pamilya. Itong shelter ang kanlungan nila gaya rin ni Mang Dioni. At itong shelter na ito ay palalaguin pa namin at marami pa kaming sasagipin na stray. Hindi rin kami magsasawa magbigay pangaral sa mga tao tungkol sa mga stray. Kapon. Hindi tapon ang solusyon. Huwag mag pet kung di mo bet. 

"Ma'am Ava, may dumating na donasyon na dog food at mga vitamins. Pa-sign daw po. At saka dumating na rin po ang engineer." Hayag sa amin ni Mang Dioni.

"Sige po Mang Dioni, lalabas na kami. Magmeryenda na po kayo dito." Yaya ko rin sa kanya at humugot ako ng tissue at dinampi sa bibig.

"Mamaya na lang po ma'am. Ilalagay ko po muna sa storage ang mga bagong donasyon na dogfood at vitamins."

"Kayo pong bahala." Nakangiting sabi ko kay Mang Dioni. Masipag talaga sya at inuuna muna ang trabaho bago ang lahat.

Nagexcuse na ako sa mga kasamahan na mauuna ng lumabas para pumirma sa bagong dating na donasyon ng dog food at vitamins at para na rin harapin ang engineer.

"Good afternoon ma'am. I'm Engineer Wendel Umali. Ako po ang pinadala dito ni Boss Maalik." Cool na sabi ng matangkad na lalaki na may pagkatsinito at halatang bata pa. Pinakita nya sa akin ang ID nya. Sa kumpanya nga sya ni Kuya Matias nagtatrabaho.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon