Chapter 27

21.4K 840 108
                                    

Ava POV

NAPANGUSO ako ng makita si Matias na nakangisi habang pinapanood akong kumakain. Sunod sunod kasi ang subo ko. Masarap ang pagkain eh.

"Akala ko ba nasisira ang diet mo?" Tanong nya at sumubo ng pagkain nya.

"Sira na ang diet ko kaya bakit pa ako magpipigil kumain. Saka masarap kumain eh." 

"Wala namang problema kung tumaba ka."

"Basta magwowork out pa rin ako."

"Bahala ka. Basta kapag magkasama tayo ayokong tinitipid mo ang sarili mo sa pagkain."

Tumingin ako sa kanya at lalong nanghaba ang nguso. "Gusto mo kong tumaba no. Gusto mo kong patabain gaya ni Pochi."

Ngumisi sya. "Mas cute naman si Pochi kesa sayo."

Sinamaan ko sya ng tingin. Parang gusto kong maselos kay Pochi.

"Eh di si Pochi na lang jowain mo. Mas cute pala sya eh." Nagtatampong sabi ko.

Mahina syang tumawa. "I'm just kidding babe.." Malambing na sabi nya.

Natigilan naman ako at bumagal ang pagnguya ko. First time nya akong tawaging babe at sobrang lambing pa ng pagkakasabi nya.

Napakagat labi ako at pinigilang mangiti habang nagsasandok ako ng ulam at nilalagay sa plato ko. Lahat ng klase ng ulam sa mesa namin ay nilalagay ko sa plato ko. Dahil tinawag nya akong babe lalo akong ginanahang kumain. Bahala ng manaba ulit love naman daw nya ang mga baby fats ko eh.

"Hinay hinay lang sa pagsubo baka maempacho ka naman." Saway nya sa akin.

Nag angat ako ng tingin sa kanya habang ngumunguya. Nilunok ko muna ang pagkain.

"Masarap kumain eh."

"I know." Aniya at dinampot ang napkin at pinunasan ang gilid ng labi ko.

Kumislot kislot na naman ang puso ko sa kilig. Ng maging kami mas naging caring pa sya sa akin.

"Siguradong bibilog na naman ako. Di na naman ako sexy. Pero di bale na, at least busog." Sabi ko at muling sumubo ng pagkain.

"Ayos lang na bumilog ka. Mas gusto ko nga na may laman laman ka mas healthy kang tingnan."

Ngumuso ako. Wala sa tono nya na binobola nya ako. Kunsabagay hindi nan sya marunong mambola. Kung ano ang nasa isip nya sinasabi nya.

"Talaga? Ok lang sayo na tumaba ako?"

Tumingin sya sa akin at ngumisi. "Yeah.."

"Sabi mo yan ha. Baka mamaya kapag tumaba ako ayawan mo na ako at ipagpalit sa payat na sexy."

Kumunot ang noo nya. "Hindi ako mababaw. At kahit tumaba ka sexy ka pa rin sa paningin ko."

Nanghaba na naman ang nguso ko. Pero sa kilig. Parang gusto ko na nga syang daluhungin at paghahalikan sa mukha.

"Ava?"

Sabay kaming lumingon ni Matias sa malaking boses ng lalaki na tumawag sa akin.

Namilog ang mata ko. "Kuya Alleric!" Tuwang bulalas ko at tumayo. Akmang yayakap ako sa kanya pero agad akong hinawakan ni Matias sa braso at pinigilan. Matiim ang tingin nya sa akin at si Kuya Alleric naman ay nakakunot na ang noo.

"Sit down Ava." Mahinang boses na utos ni Matias.

Bumalik naman ako sa pagkakaupo pero ang mata ko ay na kay Kuya Alleric pa rin. Ngayon ko na lang ulit sya nakita. Huling kita ko sa kanya ay anim na buwan na ang nakakalipas. May utang pa nga ako sa kanya eh. Hindi ko pa nababayaran dahil hindi ko naman sya mahagilap.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon