Chapter 7

19.9K 651 47
                                    

Matias POV

NAALIMPUNGATAN ako sa matitinis na tahol. Dinilat ko ang mata at bumungad sa akin ang madilim kong kwarto. Kinapa ko ang digital clock sa side table at tiningnan ito. 6:03 na ng umaga. Binalik ko ang digital clock at bumangon na. Umupo ako sa gilid ng kama. Bumungad sa akin ang maliit na tuta na nakatingala sa akin habang kumakawag ang buntot. Kumahol sya ng tatlong beses at umupo. Kiniling kiling pa nya ang ulo. Mukhang gutom na sya. Muli syang tumahol.

"Yeah yeah.. kakain ka na tss." Makulit din sya parang si Ava.

Tumayo na ako at niligpit ang comforter. Pumasok sa wardrobe room at nakasunod pa rin sa akin ang tuta. Humugot ako ng nakatuping cotton shorts at sinuot iyon. Walang akong saplot kung matulog sa gabi dahil mas komportable akong matulog kapag walang damit. Lumabas na ako cda wardrobe room at nakasunod pa rin sa akin ang tuta. Sa banyo naman ako dumiretso para maghilamos at umihi. Humarap na ako sa urinal bowl para umihi. Hanggang dito sa banyo ay sumunod pa rin ang tuta. Umupo sya habang nakataas ang buntot. Napansin kong may umaagos na manilaw nilaw na likido. Mukhang umiihi rin sya gaya ko.

Napangisi na lang ako. Mukhang kanina pa sya naiihi.

Ng matapos akong umihi ay hinaplos ko ang maliit na ulo ng tuta. "Good girl. What's your name again? Ah! Pochi."

Tumahol ang tuta at nagtatalon talon pa. Nilinisan ko naman ang inihian nya saka ako naghilamos.

Paglabas ko ng banyo ay nilapitan ko ang floor to ceiling window at binuksan ang makapal na kurtina. Sumisilip na ang papasikat na araw. Tinungo ko na ang pinto at lumabas na kasunod ko pa rin ang tuta. Dahil hirap syang bumaba ng hagdan ay binuhat ko na sya. Dumiretso kaming dalawa sa kusina. Una ko munang hinanda ang pagkain nya at tinimpla sya ng gatas saka ko naman inasikaso ang kape ko.

Humihigop ako ng mainit na kape habang pinapanood ko ang tuta na umiinom ng gatas sa feeding bowl na binili ni Ava. Naubos na nya ang pagkain nya at malapit na ring maubos ang gatas. Malakas syang kumain at uminom ng gatas. Kumakawag kawag pa ang kanyang buntot. Ng maubos na nya ang kanyang gatas ay tumingala sya sa akin at kiniling ang ulo saka sya nagtatakbo. Punong puno sya ng energy.

Napailing iling na lang ako at inubos na ang kape para bisitahin ko naman ang mga halaman ko.

Binuksan ko ang limang water sprinkle sa garden para mabasa ang carabao grass. Hinawakan ko naman ang nozzle ng hose at binuksan ito. Sinimulan ko ng diligan ang mga malalaki kong halaman sa paso na matakaw sa tubig.

Marami akong iba't ibang klase ng halaman dito sa garden ko. May local at may imported. Bata pa lang ako ng mapukaw ang interes ko sa paghahalaman dahil kay mommy. Gardening ang bonding namin noon kapag sabado at wala akong pasok sa school. Kapag nandito ako sa garden ay pakiramdam ko kasama ko rin si mommy. Kaya ingat na ingat ako sa mga halaman ko.

Nakita ko ang tuta na lalapitan ang isang welcome plant. Agad ko syang sinaway dahil nakakalason ito sa mga hayop.

"Stay there Pochi." Utos ko sa tuta at tinuro ang lanai.

"Stay there." Ulit ko pa dahil nakatingin lang sya sa akin.

Sa bandang huli ay tumakbo rin sya at bumalik sa lanai. Nilaro na lang nya ang carpet sa lanai. Napailing iling na lang ako at tinuloy na ang pagdidilig. Mamaya ay tatawagan ko si Ava para tanungin kung anong oras nya dadaanan dito sa bahay ang tuta.

--

"I'm sorry Kuya Matias, di ko na madadaanan dyan si Pochi?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ava sa kabilang linya.

"What? Why? Ang sabi ko mo kahapon dadaanan mo at dadalhin mo sa shelter mo."

"Yeah, pero di ko na sya madadala sa shelter dahil may new owner na sya."

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon