Chapter 24

20.5K 725 155
                                    

Ava POV

"SO kamusta naman kayo ni Daddy mo Matias -- este Kuya mo Matias pala." Nakangising wika ni Ivonna. Nagpapahinga sya mula sa pagbebake kaya may time kaming magchikahan.

Sinipsip ko muna ang straw ng piñacolada. "Ayos lang naman kami."

"Hindi mo pa sya sinasagot?"

"Wala pa nga syang isang buwang nanliligaw sasagutin ko na sya agad." Nakangusong saad ko at inikot ikot ang straw sa mataas na baso.

"Pero gusto mo syang sagutin?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Ivonna habang may nanunuksong ngiti.

Hindi ako agad nakasagot sa tanong na yun  ni Ivonna. Sa totoo lang, nalilito ako. Pero gusto ko si Kuya Matias aminado na ako doon.

"Ewan ko.." Tanging nasabi ko na lang at sinipsip ang straw.

"Sagutin mo na sya, bagay naman kayo eh." Pambubuyo pa ni Ivonna.

"Paano mo naman nasabi na bagay kami?" Pero may kumudlit na kilig sa puso ko sa sinabi nya na bagay kami ni Kuya Matias.

"Dahil opposite kayo. Matured sya at seryoso sa buhay. Ikaw, kalog at isip bata. O di ba swak na swak!" Natatawang sabi pa nya.

Napanguso naman ako. Naalala ko ang sinabi ni Kuya Matias na kapag naging nobya nya raw ako ay di na raw uubra ang katigasan ng ulo ko sa kanya. Parang nakakatakot na maging boyfriend sya but at the same time parang masarap din dahil maalaga sya.

Sa linggo ay nag aaya syang magbarbecue at manood ng movie. Excited ako na kinakabahan dahil kaming dalawa lang ang naroon. Ayaw nya raw kasi ng istorbo. Paano kung.. may gawin sya sa akin? Papayag ba ako o papayag? Este di papayag? Syempre papayag -- este di papayag!

Ipinilig ko ang ulo. Nyemas! Mukhang mas dapat akong kabahan sa sarili ko.

.

.

Matias POV

BUMABA ako sa land rover ko ng makita ang inspector at mga kasamahan nyang police na palabas ng malaking bahay kung saan nagpositibong nagtatago si Uncle Elijah at mga tauhan nito. Sumunod din sa pagbaba ng sasakyan ang limang tauhan ko.

"Inspector, how's it going?" Tanong ko kay Inspector Cedric Montez. Ang syang bagong may hawak ngayon sa kaso ni Uncle Elijah.

"Positive na may tumira sa bahay na yan pero negative dahil wala ng tao. Wala si Elijah Moreno at ang mga tauhan nya."

Bumuntong hininga ako. Inaasahan ko ng hindi namin maaabutan si Uncle Elijah. May sa palos ito, madulas at mabilis pumulas.

"Pero positive ang impormante namin inspector. Kita naman sa mga pictures na pinadala namin sa inyo." Wika ni Harold na isa sa mga tauhan ko.

"Walang duda dyan. Pero malamang nakatunog si Elijah Moreno na alam nyo na ang pinagtataguan nya kaya agad silang umalis at nagkuta naman sa kung saan." 

Sabay kaming napalingon sa dalawang sasakyan na bagong dating. Bumaba ang pinsan kong si Dan kasunod ang kanyang mga tauhan. Lumapit sya sa amin at bumati at nakipag kamay kay Inspector Montez.

"What happened? Nahuli na ba si Uncle?" Kunot noong tanong nya.

"Nakapulas sya Mr. Acosta. Nahuli tayo." Hayag ni Inspector Montez.

Malutong na napamura naman si Dan. "Hanggang kelan ba natin sya hahabulin? Bakit ba ang hirap nyang hulihin? Hangga't pagala gala sya ay di pa rin ako makakampante. Isa syang malaking banta sa pamilya ko." Nakapamewang na saad ni Dan. Nasa kanyang mukha ang frustration.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon