Chapter 12

18.7K 680 128
                                    

Ava POV

"HELLO babies. Why so cute naman like ninang." Baby talk ko sa kambal ni Kuya Kester at Ate Crizel habang nakadapa ako sa malapad nilang kama. Two weeks old pa lang ang kambal pero malalaking bulas na. Lalaki at babae sila at ang kukyut talaga.

"Sino may sabing ninang ka ng mga babies ko?" Tanong ni Kuya Kester na kapapasok lang ng kwarto at may dalang dalawang feeding bottle. Wala pa raw kasing lumalabas na gatas kay Ate Crizel kaya formula milk muna.

"Ako." Nagpresinta na akong ninang ng dalawa at ayos lang naman yun kay Ate Crizel.

"At sinong may sabing payag ako? Ayokong magkaroon ng ninang na buraot at pangit ang mga babies ko." Salbaheng sabi ni Kuya Kester.

Sumimangot naman ako at inirapan sya. Sa lahat ng kaibigan ni Kuya Atlas sa kanya lang talaga ako pikon. Malakas din kasi syang mang asar eh. Parang kalaban ko ang sarili ko. Pero mabait din naman si Kuya Kester. Nauuto ko rin sya minsan.

"Pumayag na akong maging ninang ng kambal si Ava kaya wala ka ng magagawa love." Sabi ni Ate Crizel.

Nilingon ko ulit si Kuya Kester at binelatan. Sya naman ngayon ang napasimangot. Subukan nyang kontrahin si Ate Crizel lagot sya. Sa lahat ng magkakaibigan sya ang pinaka under at machunurin sa asawa. Takot sya kay Ate Crizel.

Muli kong binalingan ang kambal na kumakawag ang mga kamay at paa. Nasa mood sila ngayon dahil mga busog na.

"Mabuti na lang nagmana kayo sa mommy nyo at hindi sa daddy nyong swanget." Kausap ko sa kambal.

Nanghaba naman ang nguso nila at umungol na parang naiintindihan ang sinabi ko. Tumawa naman si Ate Crizel.

"Ah swanget pala ha." Sambit ni Kuya Kester at lumapit sa akin sabay paikot ng malaki nyang braso sa leeg ko at pabiro akong hineadlock. Pero kahit biro lang yun ay para pa rin akong di makahinga.

"Aray Kuya Kester!" Daing ko at pinagpapalo at kurot ang braso nya. Pero lalo lang nyang diniinan ang braso.

Sanay na ako ganitong biro nya sa akin kapag asar sya sa hirit ko. Parang gago lang talaga sya. Tingin nya yata sa akin parang lalaki. Ito namang si Ate Crizel, tawa lang ng tawa imbes na awatin ang asawa.

"Aray ko Kuya Kester! Isusumbong kita kay mommy!" Tili ko.

"Eh di magsumbong ka. Magsumbong ka rin sa kuya mo pagbuhulin ko pa kayong dalawa na parehong panget."

"Ang kapal ng mukha mo. Mas panget ka at amoy baktol."

"Amoy baktol pala ha! Eto amuyin mo." Tinaas ni Kuya Kester ang braso nya at dinikit ang kili kili sa mukha ko. Dahil nakasando sya ay nakaface to face ko ang kili kili nya. Iniwas ko naman ang mukha pero dinikit pa rin nya ang kili kili sa aking pisngi. Mabango naman ang kili kili nya pero nakakadiri pa rin lalo pa at may manipis yung buhok.

Pinagmumura ko na sya. Si Ate Crizel naman ay lalo pang lumakas ang tawa. Enjoy na enjoy sa pambubully sa akin ng asawa nya. Halos mangiyak ngiyak na ako sa pandidiri lalo pa at ayaw pa nya akong bitawan. Inipit na nya ang katawan ko ng malaki nyang katawan. Mabuti na lang at malambot ang kama.

"Gagu ka Kuya Kester. Mamatay ka na mamatay ka na. Isusumbong kita.."

"O kanino ka pa magsusumbong? Mag sumbong ka kahit kanino pa."

"Isusumbong kita kay Kuya Matias." Hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko.

"Huh! Kay Matias talaga ha? Hindi ako natatakot sa taong batong yun. Gusto mo video call pa natin sya eh."

Gumalaw si Kuya Kester. Nakita kong hawak na nya ang cellphone nya at bini-video call na nya si Kuya Matias. Ilang sandali pa ay lumitaw na ang mukha ni Kuya Matias na nakakunot ang noo. Base sa suot at background nya ay nasa office sya.

DG Series #5: My Grumpy Kuya MatiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon