Chapter 37 : Nonchalant Guitarist (Tristan x Jessie)

23 1 0
                                    

A Night with The Front Man
Chapter 37
By ilovemitchietorres
Song for this chapter :

Beautiful Feeling by Day6

Chapter 37

JESSIE

Napahawak ako sa bibig ko habang tinitignan ang mukha ng lalakeng nasa tabi ko ngayon. Makailang beses akong kumurap-kurap para lang masiguradong di ako niloloko ng mga mata ko.

Andito lang naman si Tristan sa tabi ko ngayon.

Sa dinami-dami ng taong pwedeng maging seatmate ko sa concert siya pala.

"Tristan?"

Nilapit niya ang mukha niya sa akin.

Nangiti siya dahilan para hindi ako makapagsalita lalo.

"Bakit kala mo kpop idol?"

Bumalik ako sa ulirat ng pitikin niya ang noo ko.

"Ouch!"

Tinawanan pa ako ng loko.

"Ang sakit ha." Tiningnan ko siya ng masama.

"Masakit ba? Patingin nga."

"Ayoko!"

Hindi naman masakit yung pagkakapitik niya. Masyado lang siguro akong nadala ng emotion ko dahil hindi ko siya expected na makikita dito.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Sinulyapan niya ako saglit at nilapit ang tenga niya sa akin. Napakaingay na kasi sa loob ng Araneta ngayon.

"Anong ginagawa mo dito sabi ko." Tanong ko ulit at baka di ako nadinig.

Umayos siya ng upo sabay sabing "Manunuod ng concert malamang."

"Akala ko hindi ka nakikinig ng kpop?"

"Kaya nga andito ako ngayon para makinig."

"Sa concert pa mismo talaga ha?" Pangaasar ko.

Wait, so dalawa yung ticket na binili niya at magkatabi pa. Feeling ko talaga may hidden agenda tong si Tristan na hindi sa akin sinasabi.

Pasimple akong pasulyap-sulyap sa kanya. Hindi ko maiwasan na tumingin kasi ang pogi niya. Sa totoo lang papasa tong si Tristan para maging idol. Yung look niya kasi ngayon pangrockstar vibes hindi yung cutie patotie na mga idols na gusto ko.

Umiwas ako ng tingin ng mapansin kong sumulyap siya sa akin at kunwari may tinitignan ako sa kabilang side namin.

"Jessie..."

Tinawag niya ang pangalan ko.

"Oh?"

"Maganda yung kanta nilang 'Congratulations' at 'Beautiful Feeling'."

Wow, pinakinggan niya na ba ang discography ng favorite kong kpop band?

"Pinakinggan mo na ba discography nila?"

"Yung iba pa lang na kanta—"

"Mamaya kakantahin nila yung 'Congratulations' for sure nasa setlist nila yun."

Merong babae na lumapit sa side namin kaya kami napatingin dito.

"Hello po."

"Hello..." bati ko at napansin yung banner na hawak niya. Ito yung hinahanap ko kanina pa na hindi ako nakakakuha sa labas.

A Night with The FrontmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon